NAPALUNOK si Hanna nang mula sa television, makita niya si Kenneth na may kasamang babae. Sobrang ganda at seksi! Aminin man niya sa hindi, nasasaktan siya. Ngunit alam niyang noong una palang, alam na niyang marami itong ka-fling. Nanibago lang yata siya dahil ilang buwan na ang nakalipas, ngayon niya lang nakitang may ibang kasama itong babae. Agad niyang ikinurap-kurap ang mga mata ng maramdaman ang presensya ni Zandraa. "Kilala mo ba ang babaeng 'yan, Hanna? Anak daw 'yan ng ka-business partner ni Sir Kenneth!" Pasimple siyang napalunok. Umupo naman ito sa tabi niya. "Kung ako sa iyo, bantayan mo ang galawan ng boyfriend mo at baka biglang akitin ng babaeng 'yan. Mukha pa namang may gusto kay Sir Kenneth. Tingnan mo naman kung makatitig!" wika nito, sabay pakawala nang isang i

