HINDI napigilang lingunin ni Hanna ang nagmamanehong si Kenneth. Mahigit isang oras na silang nasa byahe. "Saan ba tayo pupunta?" Nakangiti itong bumaleng sa kanya at agad hinawakan ang kamay niya. Lihim na namang kinilig si Hanna ng dampian nito ng halik ang kamay niya. "Sa isang beach resort." Hindi na kumibo si Hanna. Ngunit nagulat siya nang bigla nitong sabihin na dalawang araw sila roon. "Pero may trabaho --" "Naipagpaalam na kita." Sabay ngiti nito. Awang ang labing natitigan niya ito. Paano siya nito napagpaalam? Huwag sabihing sinabi nitong may ugnayan silang dalawa?! "Don't worry, baby. You're safe." Pinisil nito ang kamay niya na hawak-hawak pa rin nito. Madalas, naaalala niya ang binatilyong si Kenneth. Sa kabila ng wala itong matandaan, hindi nawala ang ugali nito

