"IPAPAKILALA lang kita sa mga kuya ko!" Nang bigla itong mapatingin sa kanya. Tila may kung anong sumundot sa ginta ng tiyan ni Kenneth nang muling magtagpo ang mga mata nilang dalawa. Kitang-kita niya ring natigilan ang dalaga na para bang natatandaan siya nito. Ngunit, agad umiwas ang mga mata nito at kaagad yumuko na tila ba nahihiya. Lihim na bumigat ang pakiramdam ni Kenneth nang mapansin niya ang pagkagat labi nito. Maya't maya rin ang paglunok niya "Mga kuya, si Hanna nga pala," nakangiting wika ni Kate. Hindi maalis-alis ni Kenneth ang titig niya kay Hanna. Tila siya nahahalina na pagmasdan ang namumulang mukha nito, marahil sa nararamdamang hiya. Hindi niya ring mapigilang mapalunok nang ilang beses! Ramdam niya kung gaano siya kaapektado nang makita ito ulit! Ang lak

