NAALIMPUNGATAN si Kenneth nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Dahan-dahan siyang bumangon nang makitang ang kanyang ina ang tumatawag. Sandali niyang nilingon ang dalagang si Hanna na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito bago umalis sa ibabaw ng kama. "Mom?" "Son! How are you?" Bahagyang napahilot sa batok si Kenneth at inaantok pa ang pakiramdam niya. Halos madaling araw na silang natulog ni Hanna at inatake na naman siya ng kamanyakan sa dalaga. "I'm good, mom. Napatawag kayo?" Nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Gusto lang kitang kumustahin, anak. Nagtataka lang ako at bihira ka na lang 'ata mangumusta dito sa amin ng daddy mo. May babae na bang nagpapatibok ng puso ng anak ko?" tudyo nito na ikinangiti niya at wala

