Bandang alas tres ng hapon ay dumating si Santi. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis na lumabas siya at kumuha ng payong para hindi ito mabasa. Dahil sa sobrang lakas talaga ng ulan ay minabuti niyang mabasa ang sarili kaysa sa binata. "Are you okay?" tanong ng binata sa kaniya. Kaagad na tumango naman siya. "Oo, doon ka sa loob. Masiyadong malakas ang ulan," ani niya. Kaagad na tumalima naman ang binata. Nagpabasa na lamang siya ng ulan dahil biglaan ang paglakas at hindi pa nakukuha ang mga nilabhan nila. Mabilis na pinagkukuha niya iyon at inilagay sa gilid. Naka-hanger na rin naman. Inasikaso na rin naman na ng nanay at tatang niya si Santi sa loob. Bad timing lang talaga at mukhang may bagyo pa yata. Sa kusina na dumaan ang dalaga at naligo. Siguradong trangkaso

