Bandang alas sais ng gabi ay nasa labas na si Sheena at naghihintay sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang dress at isinuot iyon t'saka excited na lumabas. Nakangiting lumapit siya kay Sheena. Napataas naman ang kilay niya nang yamot na tiningnan siya ni Sheena.
"Iyan na ang pinaka-sexy mong damit?" tanong nito. Kaagad na napatango naman siya.
"Oo, bakit? Masiyado bang sexy? Puwede ko namang palitan eh," ani niya kaagad na napairap si Sheena at hinila na siya pasakay sa traysikel. Huminto sila sa bahay nito at pumasok sa loob.
"Maghahanap tayo ng porenjer, dai. Para kang manang na magsisimba. Tang'na, Edyssa. Oh heto isuot mo," ani ni Sheena at may ibinigay na mini dress na hapit sa katawan niya.
Kaagad na sumama ang hilatsa ng mukha niya.
"Suot o single forever?" tanong niya. Kaagad na napakamot siya sa ulo niya at nagpalit na ng suot na damit. Nang matapos ay nanlaki ang mata ni Sheena.
"Bakit? Bagay ba?" natatawang tanong niya sa kaibigan. Kaagad na napatango ito.
"Oo, ngayon ko lang din napansin na walang pinagbago. Ganoon pa rin naman," sagot ni Sheena. Inis na tinampal naman niya ito.
"Joke lang," ani niya at napangisi. Ilang sandali lang ay nagsimula na rin si Sheena na lagyan ng kolorete ang mukha niya.
"Uy huwag mong kapalan ha," ani niya.
"Huwag kang mag-alala. Ikaw pa lang ang unang nakagamit ng make-up set ko. Malapit na ang due date ko nito pero hayaan mo. Kaibiganbnaman kita eh kaya free lang 'to sa'yo," ani ni Sheena kaagad na napairap siya sa kagagahan nito.
Matapos magmake-up ay napatingin ang dalaga sa repleksiyon niya. In fairness magaling talagang mag-make up si Sheena.
Matapos nilang gawin ang mga anek-anek sa katawan ay lumabas na sila at dumeritso na sa club.
"Nasaan na pala ang darling mo?" tanong niya sa kaibigan.
"Si Betong? Ayun nandoon sa gilid kita mo 'yong napaka-guwapo kong asawa na may hawak na utility tray?" wika ni Sheena at ininguso ang karelasiyon nito. Kaagad na napatango naman siya.
"Doon tayo sa bar counter," aya ni Sheena sa kaniya. Kaagad na um-oo naman siya.
Ilang saglit pa ay nag-order na sila ng beer. Dumarami na rin ang mga tao at marami ngang porenjer. Napapansin niya ring nakatingin ang ibang kalalakihan sa gawi nila.
"Dai, puntahan ko muna saglit si, Betong," kinikilig na ani ni Sheena. Kaagad na napatingin naman siya sa paligid at tumango.
"Okay," sagot niya.
Nakatingin lamang ang dalaga sa pilsner glass niyang may laman ng beer. Kinuha niya iyon at tinungga. Napatingin siya sa gilid niya na may suot na napakalaking ngisi nang mawala iyon. Nakita niya kasi ang porenjer na sa tingin niya ay MMMM pero kumikindat-kindat sa kaniya. Hindi qualified sa one night stand baka kako'y atakehin iyon sa puso. Napatingin siya sa kabilang bahagi at huminga nang malalim. Wala talaga siyang natitipohan. Ilang sandali lang ay lumakas ang tugtog at nagsimula nang mag-indakan sabay sa beat ang mga tao sa loob. Napangiti lamang siya habang nakatingin sa dance floor. Sasayaw din siya pero mamaya na.
"Hi," ani ng isang baritonong boses ng lalaki. Kaagad na napalingon siya at napakurap.
"You alone?" tanong nito. Napalunok ang dalaga at alanganing napangiti.
"O-oo," sagot niya. Hindi na niya nakita pa si Sheena. Iyon nakipagkadiyotan na naman iyon sa darling Betong niya.
"Can I sit here?" tanong ng binata sa kaniya. Kaagad na napangiti siya.
"Oo naman," sagot niya. Kaagad na ngumiti ito at nag-order ng margarita para sa kanilang dalawa.
"Wala bang magagalit na tumabi ako rito?" tanong ng binata sa kaniya. Kaagad na umiling ang dalaga.
"Wala naman," sagot niya at sumimsim ng beer.
"I'm Brent," ani ng binata at inilahad ang kamay. Kaagad na napangiti si Edyssa at tinanggap iyon.
"Maria Edyssa, but you can call me Dessa for short," sagot niya. Kaagad na napangiti ang binata. Mukhang nilalandi na siya nito. Ang guwapo naman kasing binata nitong kaharap niya. Kamukha ni Kit Thompson.
"Nice name," saad nito.
"Yea, I know," sagot niya at ngumiti.
Marami pa silang napagkuwentuhan. Kahit saan na sila umabot. Nakaubos na rin siya ng dalawang pilsner glass ng beer. Ramdam na rin niyang umiikot na ang paningin niya.
"Ilang taon ka na ba, Brent?" tanong niya sa binata. Uminom ito sa baso niya.
"Thirty-seven," sagot nito. Kaagad na natawa ang dalaga at tinampal ang balikat nito.
"Tapos single? Sa guwapo mong 'yan?" ani niya sa binata.
"Yes, I haven't found the one yet. But maybe now I've already found her," sagot nito habang nakatitig sa kaniya. Nakagat naman ng dalaga ang labi niya at kinikilig na sinalubong ang tingin nito.
"How about you? Ilang taon ka na?" tanong nito sa kaniya.
"Thirty-three na rin," sagot niya. Kaagad na napangiti si Brent.
"Really? Wala ka ring boyfriend or asawa?" tanong nito.
Kaagad na napailing ang dalaga at huminga nang malalim.
"Kaya nga ako nandito baka sakaling may maloko ako, charot. Naglokohan kasi kami ng kaibigan ko na makipag-one night stand para magka-anak. Maganda raw kasi ang lahi kapag porenjer," natatawang ani niya. Kagaad na natawa si Brent sa sinabi niya.
"Really?" ani nito. Kaagad na tumango siya at uminom ulit ng beer.
"Hayy, kung sana ganoon lang kadali. Paano ba naman may mga porenjer may mga ka-table naman. T'saka nakakatakot baka may mga sakit," ani niya. Kaagad na napatango naman si Brent.
"Yes, and that's not a good idea," ani nito.
"Oo nga eh," saad niya.
Nagkatinginan sila saglit at kaagad na namungay ang mata ng dalaga sa klase ng tingin ng binata.
"Puwede bang ako na lang?" tanong ng binata. Kaagad na natigilan ang dalaga at nakatitig lang dito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nakangiting tanong niya rito.
"Marry me instead, aalis na ako patungong Australia next day," sagot nito.
She was beyond shocked nang marinig iyon. He was proposing to her indecently.
"H-hoy, huwag mo nga akong paglaruan nang ganiyan," natatawang saad niya.
Ngumiti lamang si Brent sa kaniya.
"But I am not joking about being the father of your child," ani ng binata. Hindi na nakapagsalita ang dalaga nang halikan siya nito.
Tbc
zerenette