"Girl, gusto mong sumama?" tanong ni Sheena sa kaniya. Nakaupo lamang siya sa harap ng tindahan nila. Kaagad na napairap naman siya.
"Marami akong trabaho girl," sagot niya.
"Clubbing kami mamaya. Seryoso na 'to ha. Iyong club na club talaga. Iyong may mga mamahaling inumin at porenjer," kinikilig na ani ni Sheena.
"Baka hindi ka suwerte sa Pinoy friend, kaya baka sa mga porenjer swertehin ka sige na," pangungumbinsi ni Sheena sa kaniya. Kaagad na natigilan siya.
"Makipag-one night stand kaya ako, Sheena no? Tapos siguraduhin kong mabubuntis ako. Bahala na wala akong asawa basta may anak lang okay na ako roon," ani niya sa kaibigan.
"Iba pa rin ang may asawa friend," giit ni Sheena.
"Baka ito na talaga ang destiny ko. Matanda na ako. Lagpas na sa kalendaryo. Kaya ko pa namang umere eh kaya puwede pang manganak," ani niya.
Huminga nang malalim si Sheena at tinitigan siya.
"Sa bagay tama naman ang sinabi mo. Oh sige, try natin mamayang gabi. Mag-ayos ka ha. Iyong pinaka-sexy mong damit ang suotin mo," ani ni Sheena.
Kaagad na tumango naman siya. Ilang saglit lang naman ay tinawag na siya para mag-lunch.
"Kain tayo friend," aya niya kay Sheena.
"Sige lang friend busog pa ako," nakangiting ani ni Sheena. Kaagad na nagkibit balikat naman siya at kinuha sa loob ng bahay nila ang pagkain at dinala sa tindahan nila. Kaagad na humugis puso ang mga mata ni Sheena nang makita ang ulam niya.
"Ang sarap naman ng native na tinolang manok," ani nito at napalunok. Kagaad na natawa si Dyssa.
"Oh, kain na tayo," ani niya at ibinigay ang isang plato sa kaibigan.
"May suka at sili ka riyan, friend?" tanong ni Sheena. Kaagad na tumango naman si Edyssa.
"Nasa kusina," sagot niya. Kaagad na ngumisi ito.
"Kuha ka lagyan mo na rin ng kaunting asin. Iyong suka niyo ba sinamak?" nakangiting tanong ni Sheena.
Kaagad na napairap si Edyssa.
"Opo madam, diyan ka po muna kukuha lang ang iyong lingkod," sagot ni Dyssa at lumabas na ng tindahan. Ilang minuto lang naman ay may dala na ito. Kaagad na nagningning ang mata ni Sheena sa nakita. Kaagad na nilantakan nila ang pagkain.
"Sarap talaga ng tinolang manok na may papaya at kaunting dahon ng malunggay no?" saad ni Sheena.
"Sinabi mo pa, kuha ka ng laman ng manok at isawsaw sa sinamak at kainin with kanin grabe sarap," saad ni Dyssa at napangiti habang sumusubo.
"Nga pala, Sheena wala kabang planong mag-anak?" tanong niya sa kaibigan.
"Ang totoo meron naman pero huwag muna ngayon. Nag-iipon pa kami ni, darling Betong. Hindi puwedeng mag-anak kami na walang ipon. Ayaw ko rin namang maging successor ng ganitong business ang anak ko no. Gusto ko ng maliwanag na buhay para sa anak ko,"saad ni Sheena.
"Meralco? May liwanag ang buhay?" anas ni Dyssa at napailing.
"Pero tama 'yan girl ha. Matalinong pagpaplano iyan. Maganda nga iyong ganiyan ang mindset mo. Huwag basta anak lang nang anak kasi mahirap ang buhay. Ang mga bata ang magsasakripisyo pagdating ng panahon," saad niya.
Kaagad na ngumiti si Sheena.
"Basta friend magsuot ka naman ng damit na maganda ha. Ikaw lang yata ang kakilala kong mula sa ibang bansa na parang nangapit-bahay lang. Iyong damit mo noon hanggang ngayon iyon pa rin ang suot," ani ni Sheena.
"Sayang eh, hiningi na rin ng mga kapatid ko iyong mga bago. Kawawa rin kasi sila kaya ibinigay ko na rin. Makabibili pa naman ako eh," nakangiting saad niya.
"Hay naku! Isa pa 'yan. Ang kakapal ng mga mukha ng mga asawa ng mga kapatid mo ha. Ano'ng akala nila sa'yo bangko? Idagdag mo pa ang ibang kamag-anak mo. Ang akala siguro nila roon tinatae ang pera," inis na saad ni Sheena.
Natigil sa pagnguya si Edyssa.
"Oo nga eh, nahihiya rin akong humindi, Sheena. Kawawa rin kasi eh," ani niya at subo na ulit ng pagkain.
"Hoy friend, hindi masamang humindi kung sumusobra na ha. Lalo na 'yang mga kamag-anak mo halos pati pambili ng diaper ng anak nila ikaw pa. Huwag mo namang hayaang iasa nila lahat sa'yo, friend. Alalahanin mo hindi ka na pabata," litanya ni Sheena.
"Kaya love na love kita, friend eh. Pauutangin kita mamaya," nakangising saad niya. Kaagad na sinamaan siya ng tingin ni Sheena.
"Seryoso nga kasi. Huwag kang papayag na basta ka na lang ganyanin ng mga kamag-anak mo. Hindi ka pumunta ng Saudi para mangolekta ng pera. Hindi mo pinupulot iyon doon. Tingnan mo nga 'yang kamay mo. Kamay ba ng babae 'yan? Grabe ang kapal ng kamay mo dahil sa dami ng trabaho. Tapos dito ginagawa kang ATM machine?" ani ni Sheena.
"Kaya nga eh. Akala siguro nila ang dali ng buhay ko roon. Sige lang, pagsasabihan ko lang sila na wala na akong maibibigay," sagot niya sa kaibigan.
"Dapat lang, baka akala nila dahil bigay ka lang nang bigay ay okay lang sa'yo. Walang'ya, may mga asawa naman 'yan sila. Hindi mo na responsibilidad ang mga kapatid mo. Ginusto nilang mag-asawa nang maaaga kaya panindigan nila. Hindi iyong pati pambili ng mga pansahog sa'yo pa iaasa. Kapag iyan nagpatuloy hindi na ako magtataka kung itong tindahan mong mula sari-sari store maging sira-sira store. T'saka huwag na huwag mong patatrabahuin iyan sa poultry farm mo ha. Paniguradong parang kung sino na naman 'yan silang mga may-ari," inis na saad ni Sheena.
"Nangigigil talaga ako, friend," ani ni Sheena. Kinuha nito ang sinamak at ininom. Nakanganga lamang si Edyssa habang nakatingin sa kaibigan.
"Grabe ka ang anghang nu'n at asim," saad niya sa kaibigan. Ilang saglit lang ay napainom si Sheena ng tubig at nagsiagusan ang luha.
"H-hoy, okay ka lang?" tanong niya sa kaibigan. Kaagad na suminghot siya at ngumiti t'saka itinaas ang thumb niya.
"Buhay pa naman, friend," sagot niya. Kaagad na natawa si Edyssa sa kaniya.
"Thank you, friend. Ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa'kin. Mahirap din kasing umayaw kasi ako pa ang nagmumukhang masama sa kanila. Ayaw ko rin naman na may sama ng loob ang mga kapatid ko sa'kin," sagot niya.
Malungkot na napangiti naman si Sheena.
"Ang bait mo kasi eh. Malandi ka lang sa isip pero sobrang bait mo. Sana'y huwag abusuhin ang kabaitan mo, friend. Ni minsan ay hindi pa kita nakitang nagalit," saad ni Sheena. Kaagad na natawa naman siya.
Tbc
zerenette