Chapter 3

2010 Words
Laglag ang balikat na nakasakay na si Dyssa ng dyip. Ang lintek niyang kaibigan ayun at nakipag-date na kay Betong. Ni hindi man lang siya isinama, naisip naman niyang huwag na lang din dahil sigurado siyang papasok iyon sa Langitngit Inn. Alangan namang maging referee siya roon sa dalawa. Ang lagkit ng tinginan eh. Isang saglit pa at ang punuang dyip ay natahimik dahil sa lakas ng ringtone. Kaagad na nainis siya. "Ano ba 'yan? Patayin niyo nga. Ang ingay-ingay eh," inis niyang saad. Napakunot naman agad siya sa noo niya nang mapansing halos lahat ng pasahero ay nakatingin sa kaniya. "Oh, bakit kayo nakatingin nang ganiyan sa akin?" taas ang kilay na tanong niya. "Cellphone mo ang tumutunog, Miss," ani ng matandang lalaki. Kaagad na napatingin siya sa bulsa niya at hiyang-hiya na kinuha iyon at sinagot. "Hello?" sagot niya. "Give me my freaking bag," ani ng boses lalaki sa kabilang linya. Kaagad na napakunot ang noo niya. "Wrong call ka, Sir," ani niya at agad na pinatay ang tawag. Napatingin naman siya sa mga kasakayan niya. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya at tila naghihintay ng kasunod niyang galaw. Inis na napatingin na naman siya sa cellphone niya nang tumunog ulit iyon. "Ano ba?" singhal niya rito. "Kunin mo rito ang bag mo or ipapa-blotter kita," ani sa matigas na boses. Kaagad na napalunok siya at binuksan ang bag ni Sheena. Nanlaki ang mata niya at napasinghap. Ang daming pera sa loob. "T-teka lang, text mo s-sa'kin ang address mo," Kinakabahang ani niya. Sigurado siyang lider ito ng sindikato o baka isang loan shark. Magsasalita pa sana siya nang patayin na nito ang tawag. "Dito lang ako!" sigaw niya at kumuha ng pera nang maalala niyang wala pala sa kaniya ang wallet niya, nadoon sa bag ni Sheena. Napalunok siya at napatingin sa hawak na bag. Pikit-matang kumuha siya ng isang libo at ibinigay sa mama. Ang tagal pa bago nabigyan siya ng sukli. Nang makuha iyon ay halos dalawang kamay pa niya ang nakahawak dahil taglilimang piso ang sukli. Stress na bumaba siya at pumara ng taxi Tiningnan niya ang cellphone niya at ipinakita ang address. "Sure ba kayo, Ma'am na iyan ang address?" tanong ng driver. "Oo naman bakit Manong, may problema ba?" tanong niya rito. Kaagad na napakamot ito sa ulo niya at umiling. Ilang sandali pa ay huminto sila sa isang abandonadong gusali. "Nandito na po tayo, Ma'am," ani ng driver. Kaagad na tumango siya at binigyan ito ng bayad. Paglabas niya ay kaagad na nagsitaasan ang balahibo niya. Walang katao-tao. "Sinasabi ko na nga ba at isang drug lord o sino pang mamatay tao ang nakapalitan ko. Lintek ka talaga, Sheena mapapatay kita," saad niya at napatingin sa cellphone niya nang tumunog iyon. "Pasok." Basa niya sa text message. Napalunok siya at nawawalang pag-asang napatingin sa taxi na nakalayo na. "Tatanggapin ko na lang na hanggang dito na lang talaga ako. Mamamatay akong virgin. Ni hindi ko man lang natikman ang langit sa lupa," malungkot niyang saad. Madramang pinunasan niya ang kaniyang mata at bilang na bilang ang bawat apak ng paa niya. "Faster, you're pissing me off." Basa nito ulit sa text. Napalunok ang dalaga at pumasok sa loob. "Hello? Is it me you are looking for?" tanong niya. Medyo kumulot pa boses niya. "Where's my bag?" ani ng boses sa likod niya. Nagsitaasan naman kaagad ang balahibo sa batok niya. Malamig ang boses at malalim. Parang hinugot sa balong napakalalim. "Nandito," sagot niya at itinaas ang kamay na may hawak ng bag. Napalunok siya at halos nanginginig na ang buong katawan lalo na nang maglakad ito palapit sa kaniya. She gathered all her strength and courage. Mabilis na napapikit siya at lumuhod sa harap nito. "Patawarin mo ako kung nagkapalit tayo ng bag. Ang totoo sa kaibigan ko 'yan. Pasensiya na rin at nakunan ko ng 260 ang pera mo babayaran ko 'yan promise. Huwag mo lang akong patayin," saad niya habang nakapikit at nakaluhod sa harap nito. Naamoy niya ang napakabangong amoy nito. Mamahalin ang amoy at hindi amoy trisby o sigarilyo. "What the f**k are you doing?" wika ng binata. Kunot na kunot ang noo niya at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari sa dalaga. "Get up," utos niya rito sa nawawalang pasensiyang boses. "Maawa ka sa'kin," pagmamakaawa ng dalaga. Santi heaved an annoyed sigh. "If you won't stand up, I will pull this trigger," saad ng binata. Natutuwa siya sa kagagahan ng babeng kaharap niya ngayon. "Kung iyan po ay ikasasaya niyo, s-sige. Pero may tanong ako," nanginginig ang boses na tanong ng dalaga. Pawis na pawis na rin ito at malapit ng tumulo ang luha. "Go ahead," ani ng binata. "A-ano'ng perfume mo?" tanong niya. Kaagad na napanganaga ang binata at hindi alam kung ano ang isasagot. "Really?" hindi makapaniwalang tanong niya. Mahinang tumango naman ang dalaga. Santi bit his inside cheek and laughed so hard. Halos mamatay-matay na ito sa tawa. Kumunot ang noo ni Dyssa at napamulat. Nanlaki ang mata niya nang makitang napakaguwapo nito at ito iyong lalaking nakita niya sa loob ng restaurant. Inis na tumayo siya at ibinato ang bag nito sa binata. Natigil naman ito sa pagtawa nang makita ang busangot niyang mukha. "Masaya ka na?" singhal niya rito. The man just stared at her seriously. Bigla ay parang naumid ang dila niya. "H-hindi ka loan shark? Gangster? Mafia? Axe boyz?" tanong niya sa binata. Kaagad na kumunot naman ang noo ng binata. Kaagad na umiling ito bilang sagot. "Hell no," saad nito. Kaagad na napahinga nang malalim ang dalaga. "Bakit maraming pera ang bag na 'yan? Bakit dito pa sa abandonadong lugar? Puwede naman sa ibang lugar ah bakit dito pa?" sumbat ng dalaga. "Siguro snatcher ka no? Kidnapper? Sumagot ka!" singhal ng dalaga. Kaagad na kumunot ang noo ng binata at ipinakita ang bag na hawak nito. Kaagad na nagsihulugan ang mga paninda ni Sheena na panty at bra may tatak pang avon at so-en. Makukurot niya talaga ito. May kinuha rin ang binata sa gilid na isang paper bag na kulay brown. "Ano 'yan?" tanong niya rito. Kunot ang noong tiningnan naman siya ng binata. "Tingnan mo," ani nito. Kaagad na kinuha niya iyon at nanlalaki ang mga matang napatingin sa binata. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya sa kahihiyan. "Look at your friend's bag. You didn't notice that her bag is fake? Alam mo bang pinahiya ako ng bag na 'yan kanina paglabas ko ng kotse? Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga empleyado ko nang isa-isang nagsihulugan ang mga putang-inang gamit na 'yan ha?" singhal ng binata sa kaniya. Kaagad na napapikit naman siya sa galit na boses nito. Tiningnan niya ang paper bag at nakagat ang labi. Nandoon ang paninda ni Sheena na condom, vibrator at d***o. Napapikit siya sa sobrang hiya. Mapapatay niya talaga ng babaitang iyon mamaya. "S-sorry," ani niya rito. Huminga lamang nang malalim ang binata at galit na tiningnan siya. Ibinato nito ang bag sa kaniya at inis na tumalikod. Kaagad na pinulot naman ni Edyssa ang mga nagsihulugang panty at bra. "Lintek na, Sheena ka. Ipapahamak mo pa talaga ko. Mamaya ka talaga sa'kin at kukurotin ko nang pinong-pino ang singit mo," inis niyang sad. "P-pasensiya na talaga," nahihiyang saad niya. Magpapaliwanag pa sana siya nang mabilis na umalis na ito at may kotse na rin sa labas na nakaatang. Naiwan naman siyang nakakamot sa ulo niya. Talaga naman itong kaibigan niya. Butas ang bag na pinaglagyan. Inis na pinagkasiya niya iyon at naglakad palabas ng lugar. Buti na lamang at may traysikel na sa labas. Sumakay siya roon at kumikibot ang bibig sa inis. "Saan tayo, Ma'am?" tanong ng driver. "Sa impiyerno ho, Manong," sagot niya at napairap. "Ay, hindi po ako kwalipikado roon, Ma'am," sagot ng drayber. Kaagad na napahinga nang malaim si Dyssa at kinontrol ang inis na nararamdaman. Ibinigay naman niya ang eksaktong address. Kaagad na nagbayad siya nang dumating na sila. Pagbaba niya ay nahulog pa ang condom. Kaagad na napangisi ang drayber sa kaniya. "Ano'ng iningisi-ngisi mo riyan ha? Bastos!"singhal niya rito at padabog na lumabas ng traysikel at pumasok sa bahay nila. Kaagad na sinalubong siya ng nanay niya. "Oh, anak kumusta ang lakad? Bakit parang hindi maiguhit ang mukha mo?" tanong ng ina niya. Kaagad na napabuga siya ng hangin. "Hindi lang po maganda ang mood ko, 'nay," sagot niya. "Edyssa! Bestfriend!" tawag ni Sheena na kapapasok pa lang sa gate nila. Nag-excuse naman ang nanay niya sandali at gagawa lang ng maiinom. "Lintek ka, Sheena!" ani niya sa kaibigan. Kaagad na kumunot ang noo nito. "Bakit?" tanong nito at mabilis na tinabihan siya sa upuan. "Ano'ng nangyari?" tanong nito. Kagad na sinmaan niya ito ng tingin. "Nakakainis kang bruha ka!" ani niya pa ulit. Kaagad na napangisi ito. "Uy, alam kong hindi mo kayang magalit sa'kin. Dali, kuwento mo ano'ng nangyari at parang kakatayin mo na ako riyan," ani nito. Inis na tinampal naman niya ito sa balikat. "Aray! Ang sakit ah," reklamo nito. At ang walang hiya may chikinini pa sa leeg. Kagad na kinuwento naman niya sa kaibigan ang nangyari. Kita naman niya ang konsensiya sa mukha nito. "Sorry friend," ani nito. "Sorry ka riyan. Ayon na, tapos na. Ano pa ang magagawa ko? Sana lang hindi na mag-abot ang landas namin ng lalaking 'yon," problemadong saad niya. "Guwapo ba friend?' kinikilig na tanong ni Sheena. Kaagad na natigilan siya at napaisip. "Iyong lalaking katabi ko sa restaurant. I mean sa katabi nating table," sagot niya. "Ay nilintian! bakit hindi ka nagpakantot girl? Chance mo na 'yon. Ang guwapo-guwapo nu'n," ani ni Sheena Kaagad na binatukan niya ito. "Tumahimik ka nga, Sheena nakakainis ka," ani niya rito at naiiyak na. "Oo na, sorry na. Alam ko naman eh. Kasalanan ko naman pasensiya na girl. Libre na lang kita ng condom at vibrator," ani ni Sheena sa kaniya at humagalpak ng tawa. "Lintek ka!" ani niya rito at inirapan. "Sige na, puwede na si, Ranveer bukas. Humihingi siya ng pasensiya at hindi ka sinipot kahapon," nakangiting saad ni Sheena. Kaagad na napairap siya. Sabihan mo ayaw ko nang makipagkita sa kaniya. Nakikita mo ba ang tingin ng manager at waiter kanina? Halos kulang na lang hambalusin tayo ng upuan sa inis. Ilang oras tayong naghintay roon tapos puro tubig lang ang order natin," reklamo niya. "Uy, huwag mag-alala friend. Swerte nga nila at may customer silang magaganda no? Choosy pa sila?" ani ni Sheena. "Iyon na nga. Tatanggapin ko na lang siguro friend na hanggang dito na lang ako," malungkot niyang saad. "Balik na lang akong Saudi at baka iyong camel na anak ng amo ko ang destiny ko. Alam mo na may pagtingin sa'kin iyon eh," ani niya sa kaibigan. "Uy, huwag kang papatonto sa mga camel na iyan. Amoy krudo," saad ni Sheena. "Masiyado ka namang judgemental, Sheena. Kainis 'to, malinis naman sa katawan ang mga iyon no. Hindi magiging ganito ka-sexy ang katawan ko kung hindi sila malinis. Alam mo bang maiyak-iyak na ako kalalaba ng damit nila? Pagkatapos paugahin hayun at plantsa agad. Mabuti pa nga ang damit nila nadaanan ng plantsa, eh ako?" naiiyak niyang saad. "Gusto mo ring ma-plantsa?" taas ang kilay na tanong ng kaibigan niya sa kaniya. Kaagad na binatukan niya ito. "Ikaw kaya plantsahin ko? Lintek na 'to," insi niyang saad. Kaagad na nag-peace sign naman ang kaibigan niya. "Ang ibig kong sabihin mabuti pa ang damit ay nababsa at napapainit. Eh ako nganga naghihintay lagi sa grasiyang hindi ko alam kung kailan darating," yamot niyang saad. Ngumiti si Sheena at tinapik ang balikat niya. "Si, Pektong na lang kasi o kaya si, Tony. Nandoon din si Burdogoy, si Gargol, si Tikboy. PIli ka lamang sa kanila," ani ni Sheena. "Uy, bahala na lang na mag-isa ako sa buhay, Sheena. Ang mga mukha nu'n palamunin at puro inom ang inaatupag. Nandoon palagi sa eskina tumatambay na akala mo'y ang lalaki ng katawan. Naku, thank you na lang," ani niya. Kaagad na napakamot sa ulo niya ang kaibigan. #Choosy Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD