Nagising ang dalaga sa maingay na tawanan sa ibaba. Bumangon siya at nag-inat. Wala na si Santi sa tabi niya. Pumasok siya sa banyo at nag-toothbrush t'saka naghilamos. Nang matapos ay bumaba na siya at natigilan. Nakangiti ang parents ni Santi sa kaniya. Nakauwi na rin ang mga katulong. "Hi, Edyssa," wika ni MJ nang makita siya. Napangiti ang dalaga at mabilis na bumaba at niyakap ito. Kalong-kalong naman ni Santi ang anak nilang si Yssuri. "Na-miss kita," wika ng dalaga. Kaagad na napangiti si MJ. "I heard that you regained your memory. Welcome back, anak," saad ni MJ. Mahinang napatango naman siya at napangiti. "Nasaan po si, Ressha?" tanong niya. "She's outside nakikipag-usap sa asawa niya through phone," sagot nito. Kaagad na napatango naman siya. "Tara sa kusina at mag

