Bumaba ang dalaga sa taxi at mabilis na pinunasan ang luha sa mata. Suminghot siya at pumasok na sa loob. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ni Santi. Pumasok siya sa kuwarto nila at umupo sa kama. Nakatingin lamang siya sa labas ng veranda. Ang maliwanag na paligid at magandang tanawin ay hindi niya mapuri dahil sa sakit at bigat nang nararamdamang dala-dala. "Hinga ka lang, Edyssa. Wala na, tapos na. Ano pa ba ang puwede mong gawin?" wika niya sa sarili at napahagulgol. Kung para sa pamilya niya ay simpleng pera lang iyon, para sa kaniya ay hindi. Pangarap niya iyon kasama ang pamilya niya. Ilang taong pagtitiis para lang mabuo. Hindi niya matanggap na mismong pamilya lang niya ang sisira sa kaniya. Napahawak siya sa dibdib niya at pilit na ipinikit ang mga mata. Parang pinipi

