"Saan ka galing? Pagka-gising ko wala ka," wika ni Edyssa. Tumabi sa pagkakaupo ang binata sa kaniya at ngumiti. "May pinuntahan lang na importante," sagot ni Santi. Napatango lamang ang dalaga. "Wala pa sina, Mommy?" tanong ni Santi. Umiling naman ang dalaga. Humiga ang binata sa couch at ipinatong ang ulo niya sa legs ni Edyssa. Medyo nagulat pa ang dalaga pero napangiti na rin naman kaagad. Tiningala siya ng binata at nginitian nang tipid. "Your eyes are swollen," sambit ni Santi. Napahawak ang dalaga sa mata niya at napahinga nang malalim. "Okay na ako," sagot niya. "What do you mean?" tanong ni Santi. "Okay na ako na alam kong kasama kita. Kayo ng anak natin. Okay na okay na ako. Tatanggapin ko na lang na may mga bagay talagang hindi natin puwedeng pigilan. May mga pangyay

