Chapter 23

2025 Words

Nakatingin lamang ang dalaga sa batang naglalaro sa bakuran nila. Nasa dalawang taong gulang na ito. "Anak, kain na tawagin mo na si, Yssuri," ani ng ina niya. Kaagad na tumango naman siya. Naglakad na siya at nilapitan ito. "Baby girl, kain na tayo," aya niya rito. Humarap ito sa kaniya at ngumiti t'saka tumango. "Yey!" masayang ani nito. Magkahawak ang kamay na pumasok na sila sa loob. Umupo na sila sa lamesa at nakatingin lamang ang dalaga sa kanila. Kaagad na natigilan naman sila. "Edyssa, anak ito si, Tatang mo. At ito naman si, Ayen ang nakababata mong kapatid," mahinang saad ng ina niya. Ngumiti naman siya nang tipid at nahihiyang napatango. "Pasensiya na po kayo," wika niya at tiningan si Yssuri. "Si, Yssuri ang anak mo, Ate. Ipinanganak mo siya noon kahit comatosed ka,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD