"What happened?" tanong ni Ressha na pababa na ng hagdan. Napipilan si Edyssa at hindi alam ang sasabihin. Ano nga ba ang nangyari? Nagsagutan lang naman sila ng asawa niya kuno. "Ressha, sigurado ba talaga kayong naging asawa ko siya?" ani niya at humalukipkip. Medyo nagulat naman si Ressha sa tanong niya. "Hindi mo talaga naaalala? Ang sweet niyo kayang dalawa," wika ni Ressha. Kaagad na natigilan siya. "Hindi niya rin ako maalala," saad niya. "He has a temporary amnesia. Hanggang ngayon ay mino-monitor siya ng private doctor namin," sagot ni Ressha. Kaagad na napatango naman siya. May mga litrato pa ba kami na magkasama?" tanong niya pa ulit. Kumunot naman agad ang noo ni Ressha. "Doubtful ka ba sa relasiyon niyo?" ani Ressha. Kaagad na tumango siya. "Oo, ang sama ng uga

