"Magandang umaga, Aling Delilah," nakangiting ani niya sa matandang biyuda. "Magandang umaga rin sa'yo, Dessa," sagot nito. Binuksan nito ang gate niya at ngumiti. "Heto na po ang limang tray ng itlog at fresh dressed chicken mula sa aking poultry farm," nakangiting saad niya. Kaagad na napangisi ang matanda. "Aling De, hija," saad nito kaagad na natigilan si Edyssa. "Ha..haha A-Aling De," ani niya. "Ay, salamat naman. Heto rin ang bayad," sagot nito. "Pektong!" tawag niya sa binata na nakaupo sa likod ng multicab niya. "Yes, Daysa?" nakangiting tanong nito. "Dalhin mo na rito ang itlog mo at nakapagbayad na si, Aling De," ani niya. "Ay, ayaw ko sa itlog niya, Dessa ha. Itlog na maalat 'yan hindi na fresh," wika ng matanda. Kaagad na bumusangot si Pektong. "Grabe ka na

