Ilang araw na siyang wala sa mood. Kaunting kaluskos pang ay naiinis na siya. "Ayen, pakihinaan nga ng TV hidni ako maka-focus sa ginagawa ko eh," ani niya sa kapatid. "Okay lang naman 'yan 'te ah. Grab ka naman nasa sampu na nga lang ang level ng volume," sagot ng kapatid niya. Inis na binitiwan niya ang calculator at hinarap ang kapatid. "Nakikita mo naman sigurong may kini-kwenta ako?" ani niya. "Opo," ani nito at napairap sa kaniya. Inis na napatayo siya. "Ano ba, Ayen?" singhal niya sa kapatid niya. Mabilis na tumakbo naman ito palabas.. "Ano ba'ng kaguluhan dito, Dessa?" tanong ng Ina niya. "Eh si, Ayen 'nay eh. Nakakainis naang batang 'yan hindi mapagsabihan," ani niya. "Bakit ba napakainit ng ulo mo, 'nak? Para kang buntis," ani ng Ina niya. Kaagad na natigilan s

