Mabilis na hinila ng dalaga ang bedsheet sa paanan niya at nagtalukbong ng kumot. Sobrang lamig ang lakas kasi ng airconditioner. Naalala niyang walang airconditioner ang kuwarto niya. Ilang saglit pa ay mabilis na naimulat niya ang kaniyang mata at inalis ang kumot. Akmang babangon siya nang sumigid ang kirot mula sa kaniyang ilalim. "Aray!" ani niya. Napatingin siya sa paligid at umaga na pala. Maingat na kinuha niya ang kaniyang bag sa bedside table para tingnan kung ano'ng oras na nang may masagi siya. Napakunot noo siya nang makitang naka-white envelope 'yon. Pinulot niya iyon at binuksan at nagulat sa nakita. Isang checque na may lamang five hundred thousand pesos. Kaagad na naghari ang sakit at disappointment niya. Akala niya ay may pag-asa na sila ni Brent. Ang buong akala niya

