NAPANSIN ni Hannah na napangiti si Lola Ancia at habang nakatingin sa malayo. Tila inaalala nito ang nakaraan. Pinahid niya ang kanyang mga luha at naghanda sa pakikinig sa kuwento ng matanda. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil pinagdaanan ko rin `yan. Mula pagkabata, abala na ang mga magulang ko sa iba-ibang mga bagay. Abala palagi sa negosyo si Papa. Ang lahat ay naniniwala na ang tanging lugar ng mga babae ay sa bahay lamang. Kahit na pinag-aral ako ni Papa, tila palamuti lamang ang mga diploma ko. Nakapagkit na sa isip niya na mag-aasawa ako ng isang lalaking mahusay sa pamamahala ng mga negosyo. I feel like I was unwanted, too, darling. Pakiramdam ko ay disappointed ang aking ama dahil naging babae ako. Ako lamang ang nag-iisa niyang anak. Mas mahirap ang maging babae noon,

