"Huy! narinig niyo ba yung tungkol kay Sugar? ayun! umuwi daw at ito pa ha? buntis daw pero hindi na kasama yung lalaking filam na jowa na mas bata sa kaniya. Mukhang hiwalay na! binuntis lang siya." Wika ng isa sa mga chismosa sa labas ng bahay nila Sugar. Ang aga-aga ay siya ang usapan ng mga ito lalo pa at nagulat ang ilan ng pag-uwi niya ay halata na ang tiyan niya. ''Ay? buntis ba? talaga ba? parang hindi naman." tanong pa ng isa kaya tila nanlaki ang mata ng isang chismosa at na-excite pa na mag-kwento. "Buntis! naku feeling ko nagpa-buntis lang talaga doon sa bagets, kung sa bagay hindi na rin ako magtataka kung iniwan siya. Ang layo ng agwat nila ay mukhang malabo talaga na magseryoso yung lalaki. Isa pa, gwapo at mayaman, hindi naman nakakapagtataka kung maghahanap n

