Halos mabingi siya sa sobrang katahimikan ng buong bahay, dati ay sanay naman siya na mag-isa lang sa bahay pero simula nang makasama si Sugar ay tila hindi na kumpleto ang bahay niya. Kahit na dinadala pa lang nito ang anak nila ay may parte sa bahay niya na tila naging ganap na tahanan para sa kanya. Nakikita niya ang mga pakalat kalat na laruan at gamit ni Sugar sa paligid na sanay naman siyang makita pero ngayon na makikita iyon at wala si Sugar sa tabi niya ay parang mas naging malaki ang bawat silid dahil pakiramdam niya ay kulang dahil wala ito. Nais man niyang manatili si Sugar, na pigilan ito na umalis pero kung sa tingin ni Sugar na mas makakabuti iyon sa kalagayan niya at relasyon nila ay susuportahan niya ito. Naiintindihan niya si Sugar kung galit ito sa kaniya, at

