"Sure ka? sasama ka talaga?" tanong ni Candy mula sa kabilang linya. Napatingin siya sa mga gamit niya na naka-ayos. Sa dalawang maleta na nakahanda na. "Yes, just wait for me," sagot niya sa kakambal kaya natahimik ito sa kabilang linya. "This is for the best. Mas okay na aalis ako ng alam niya, para naman sa amin ito." "At pumayag s'ya na umalis ka?" bakas ang pagka-irita sa boses ni Candy sa kabilang linya. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi upang pigilan ang kanyang mga luha. "I insist na umuwi muna, iyon ang mas makakabuti, para naman sa aming dalawa iyon." sagot niya sa kapatid. Iyon ang makakabuti para sa kanyang isipin, ganoon pa man ay may parte sa isipan niya na sinasabi na huwag niyang ituloy. Na huwag siyang sumama kay Candy at huwag iwan

