Nagising si Alex na halos pumintig sa sakit ang ulo niya. Napansin niya na wala siyang saplot, wala siyang maalala sa sobrang kalasingan. Hindi niya rin alam ang pumasok sa isipan niya kung bakit siya naglasing ng matindi hindi na niya na-control ang sarili dahil sa mga bagay na iniisip niya. Labis siyang naiinis sa sarili ng dahil sa away nila ni Sugar. Napatingin siya sa kaniyang tabi at napansin na wala roon si Sugar. Ngunit nakita niya rin ang mga damit nito na nakakalat sa sahig. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi at may ilang imahe na pumasok sa kanyang isipan. Mga ala-ala kagabi habang ka-talik si Sugar. May ngiti na sumilay sa kanyang mukha ngunit hindi iyon nagtagal ng maalala sa kanyang isipan ang pangalan na kanyang binigkas kagabi at alam niyang narinig iyon ni Sugar

