"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo eh? O ano? Nakita tayo ng anak mo!" Bulyaw ni Sugar kay Alex bago hinampas pa ito sa tagiliran. "Huwag kang lalapit sa akin ha? Mamaya maagang mag-boyfriend iyang anak mo tatamaan ka talaga sa akin." Natawa si Alex sa sinabi ni Sugar. "Sugar, kaka-apat na taon pa lang ng anak mo boyfriend agad? Hahaha chill lang! Saka para namang hindi mo ako hinalikan pabalik?" "Ikaw ang nauna! Pero kalimutan mo na iyon. Hindi na pwedeng maulit iyon okay?" Nakapamewang pa na sabi ni Sugar. Napangiti lang si Alex kasi alam niya na malamang mangyari na hindi na maulit iyon. "Sige sabi mo." sambit ni Alex kaya mas lalong napasimangot si Sugar. "I mean it! Hindi na talaga mauulit iyon!" "Ah talaga?" Pero bago pa man ito makalayo ay muli siyang hinatak ni Alex.

