Nagising si Alex ng magkayakap sila ni Sugar. Nakatanday ang binti nito sa kaniya habang mahimbing pa rin ang tulog. Nais niya man manatili sa higaan katabi ito ngunit kailangan niya ng bumangon upang linisin ang ibaba at sunduin din si Selena kala Candy. Saglit niyang dinampian ng halik ang labi ni Sugar pagkatapos ay bumangon na. Inayos niya pa ang kumot bago siya magpunta sa banyo upang mag-shower muna. Habang naliligo ay hindi niya mapigilan na isipin ang mga namagitan sa kanila ni Sugar kagabi. Hindi pa man malinaw kung sila na ba ulit O kung wala lang talaga ang nangyayari sa kanila kagaya ng sabi nito. Pero alam niya na hindi lang basta s*x ang ginawa nila. Alam niyang may halong pagmamahal ang bawat halik at haplos nila sa isa't isa. Ganoon pa man, kahit nais niyang malaman k

