Sobrang bongga ng paghahanda sa birthday ni Selena. Mistulang pang 7th birthday iyon samantalang 4th birthday pa lang nito. Ang simple kasing setup sa garden kung saan gaganapin ang birthday ni Selena ay naging Milyones ang setup sa labas dahil sa mga ipina-hire ni Alex na mag-aayos ng venue. Napakaganda talaga ng garden na may Alice in wonder world na theme. Ang garden ay hindi lang napuno ng maraming bulaklak kundi marami rin na malalaking bulaklak sa paligid, malalaking mushroom at tila maliliit silang tao. May mahabang mesa na kagaya ng sa tea party, lahat ng mga gamit at kubyertos ay kagaya rin ng sa wonderland. Sa gilid ay may mahabang dessert table at bubble show. May mga naka costume rin na kasama sa mga na-hire ni Alex. Ngunit si Selena ay kakaibang bata talaga. Dahil imbis

