"Kaya kung buntis ka tigilan mo na 'yan. Alam ko na wala akong karapatan na manghimasok sa buhay mo lalo pa at wala na tayo pero makinig ka sakin. Makakasama sa bata iyang ginagawa mo." Sabi pa ni Alex bago napatingin na kay Sugar. Saglit siyang pinakatitigan nito bago natawa. "Ang daldal talaga ng anak mo. Akalain mo iyon, sinabi na sa iyo." "Hindi naman niya sinabi ng direkta. Nagtanong siya sakin kung anong spelling ng cheese curls. Akala ko gumagawa siya ng listahan ng paborito niyang pagkain tapos hindi pala, mga posible na pangalan pala ng magiging kapatid niya." Mahinahon na sagot pa ni Alex. Lumapad lalo naman ang ngiti ni Sugar. "Cheese curls? So totoo pala iyon? Haha! Ano pa nakalista?" Tipid na napangiti si Alex sa tanong niya. "Choco, Tam-tam, Scramble, Cherry ano pa

