Kanina pa patingin-tingin si Sugar sa Cellphone niya. Wala pa kasi si Alex at kailangan na niyang umalis. Hindi naman pwede ngayon si Alice dahil nagpa-off ito upang dalawin ang Mama niya. Sabi ni Alex papunta na siya pero 30 minutes na ang lumipas ngunit wala pa rin ito. Hinawakan niya ang bag ni Selena na may gatas nito. Inihanda na niya iyon dahil kapag wala pa rin si Alex matapos ang 10 minuto ay dadalhin na lang niya si Selena kala Candy na nasa pangalawang kanto lang. "Mommy, where's Daddy na?" Tanong ni Selena na ngayon ay binibihisan niya na. "I don't know, baby. Baka na-traffic or what. Kaya siguro kala Tita Candy ka muna ha? Susunduin ka na lang ni Daddy doon." Aniya bago pinulbuhan ito ay sinuutan ng sandals ng marinig nila ang tunong ng sasakyan sa labas. Napatayo si Sug

