Sinundan niya ang lalaki sa Extraction room. Sakto naman ay papasok pa lang ito kaya agad niya itong pinigilan. "Sir, I'm sorry. I know parang weird ng gagawin ko pero makikiusap sana ako na ibigay mo na lang sa akin iyang cup?" Tanong ni Alex sa lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa hawak niyang cup. "Umm.. what do you mean na ibigay ko na lang sa iyo? I think kailangan mong pumunta sa Nurse station para manghingi ng ganito." Sagot naman nito sa kaniya na may pagtataka. Umiling si Alex at napabuntong-hininga. "Nandito ka hindi ba para mag-donate ng sperm mo? Well, yung babae na bibigyan mo ng sperm ay ang ex ko at Nanay ng anak ko. She wanted to have another baby ng hindi galing sa akin dahil galit siya sa akin. But dude, I can't let that happen. I don't want the love of my life ca

