Chapter 82

2144 Words

Biglang nanlambot si Alex, sunod-sunod ang mga katanungan sa kaniyang isipan. Ang bilis ng t***k ng puso niya ng makita ang bata. Sino iyon? Anak ba iyon ni Sugar? Bakit parang may kakaiba habang tinitignan niya ito?. Muli siyang napatingin kay Sugar, tila tinatanong ito sa kaniyang isipan ngunit agad na umiwas si Sugar ng tingin sa kaniya, at hinawakan ang bata upang pumunta sa uupuan nito. Naglakad na palapit sa altar si Candy, ngunit wala roon ang kaniyang tingin kundi na kay Sugar na halatang umiiwas ng tingin sa kaniya. Hindi naman niya siguro anak iyon? Pinakatitigan niya mula sa malayuan ang bata. Nakita niya na ngumiti ito, kamukha ni Sugar. Ngunit may iba pa itong kamukha.. at malinaw na hindi si Alwin iyon. Lalo pa ng makita niya ang mga mata ng bata na pareho sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD