Ilang linggo siyang abala sa pag-aasikaso sa kasal ni Candy dahil ayaw niyang ito ang ma-stress. Bilang kakambal nito ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maging perfect ang kasal ng kaniyang kapatid. At matapos na nga lahat ng paghahanda ay dumating din ang araw na pinakahihintay ng buong pamilya. Dahil ngayon na ang araw ng kasal ni Candy at Luigi. Ngunit hindi pa natatapos ang araw na ito at marami pang pwedeng mangyari kaya naman ay siya pa rin ang unang punong abala sa araw na ito. Nakaayos na ang lahat. Ang Simbahan, venue ng reception, ang mga abay at ninang ay nakaayos na rin. Narito siya ngayon sa kwarto ng mga flower girls kung saan narito rin ang kaniyang Mama Zen. "Mommy!" Masayang bati sa kaniya ni Selena. Nakabihis na ito at naka-ayos na ang buhok at may

