"Yey! Bubbles, Mommy!" Masayang sabi ni Selena habang pinaglalaruan ang napakaraming bula na nasa bathtub. Nakangiti si Sugar na nilagyan ng bula ang ulo ni Selena, kapwa sila napahagikhik ng gawin din iyon ni Selena sa kanya. Sabay silang naligo sa bathtub na punong puno ng bubbles. Sa sobrang dami ng mga bula ay halos mapuno na ng bula ang buong bathtub at ang kanilang mga katawan. Isa ang bubble bath sa paborito nilang bonding ni Selena. Madalas silang magsabay maligo dalawa pero kapag nagiging busy si Sugar sa trabaho maghapon at hindi naasikaso masyado ang anak ay sinisiguro niya na nakakabawi siya rito pag-uwi, at isa ang bubble bath ang ginagawa nila. "Hahaha mommy! Look! May bubble face mo." Bungisngis ni Selena kaya lumapad ang kanyang ngiti. "Talaga? Meron sa face?" Tano

