"Hi, Sis.." bati ni Candy pagkabukas ni Sugar ng pinto ngunit agad siyang sinarahan ni Sugar. Mabuti na lang ay agad niyang naiharang ang kaniyang katawan sa pinto kaya nakapasok siya. "Sis!" Tawag niya pa sa kapatid ngunit Napairap si Sugar pagkatapos ay tumalikod. "Sugar, huy! Wag namang ganyan kausapin mo naman ako oh." Hindi siya nilingon ni Sugar at dumeretso sa dinning kung saan naroon si Selena at ang yaya nito na si Alice. Oras ng pananghalian at kasalukuyan na nananghalian sila ng marinig ni Sugar ang doorbell. Ngayon na nalaman niyang si Candy lang pala ang dumating ay bumalik siya sa tabi ni Selena at muling naghimay ng pagkain nito. "Hi, Baby!" Masayang sabi ni Candy kay Selena at binati rin siya nito pabalik. "Hi, Tita!" Wika ni Selena bago humalik sa pisngi ng kaniy

