Nagising si Sugar sa isang hindi pamilyar na lugar. Puti ang paligid at may swero na nakakabit sa kanyang kamay. Napasapo siya sa kaniyang ulo at dahan-dahan na napaupo. "Nasaan ako? anong nangyari?" mahinang tanong niya at saktong bumukas ang pinto at lumabas roon ang kanyang kapatid na si Candy. Mukhang nasa hospital siya at naka-confine. u "Sugar.. huwag ka munang bumangon." wika nito pagkatapos ay mas lumapit. Nagtataka siya, naalala niya lang ang nangyaring gulo pero hindi niya maalala kung bakit sya napunta rito. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang sanggol na kanyang dinadala. Una niyang naisip na baka napahamak ito kaya siya isinugod rito. "Candy? anong nangyari sa akin? kamusta ang baby ko?" nagpapanic na niyang sabi kaya pilit siyang pinakalma ni Candy. "Shhh shhh..

