Nadaan sa pakiusapan at pera ang mga naapektuhan ng aksidente. Ginawa talaga ni Donya Rosalinda ang kaniyang makakaya upang hindi lang matuloy ang kaso na isinasampa ng driver ng truck at ng ilang nadamay sa aksidente. Binigyan niya ng tig 1 million ang bawat pamilyang naapektuhan kaya naman ay umurong ang mga ito sa kaso na unang isinampa nila. Kaya wala na rin nagawa ang mga pulis kundi ang lubayan na si Alex at itigil ang pagbabantay sa kaniya sa hospital. Matindi ang natamong sugat at bali ni Alex sa kaniyang katawan. Sinigurado rin ni Donya Rosalinda na naalagaan ito ng maayos sa hospital. Ginamit ang kaniyang connections upang mas mabigyan ng maiging pagbabantay at pagaalaga ng doctor si Alex. Hindi pa ito nagigising ngunit sabi ng doctor na malayo ito sa panganib. "Madam, tumawa

