Napatingin si Alex sa picture nila ni Sugar. Picture nila iyon sa OB clinic kung saan ay nakatapat ang kaniyang tainga sa tyan ni Sugar habang nakahiga ito sa examination bed. Parehas silang nakangiti. Napalunok siya, parang hirap pa rin tanggapin na lahat ng ito ay wala na. Na yung masayang sila noon ni Sugar ay wala na. Na isa lang kasinungalingan ang lahat. Na ang pamilya na inakala niyang magkakatotoo na ay isang kalokohan lang pala. "Alexis! Iho! Let's go! Baka ma-late na tayo sa flight!" Rinig niyang sigaw ng kanyang ina. Sunod ay nakita niya si Skylar na sumilip sa may pintuan. "Alex, come on let's go." Wika nito kaya tumango siya. "Lalabas na ako." Sagot niya at ngumiti si Skylar bago isinara ang pintuan. Muling bumalik ang tingin ni Alex sa picture nila ni Sugar. Isang sag

