bc

IM SO INLOVE WITH YOU

book_age4+
6
FOLLOW
1K
READ
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Harvs, aalis na 'ko, mag-iingat ka lagi ha? Ingatan mo rin sarili mo. ", huling salita ko bago umalis para pumunta na sa New Zealand, alam kong naririnig mo ako pero walang dapat sisihin sa ating dalawa. Ako, ikaw, wala sa ting dalawa.

Dahil pinili natin ito, at pinili kong lumayo.

chap-preview
Free preview
Meet Me
Ako si Chloe Gonzales, nakatira sa S street Washington D.C. Hindi ako dito pinanganak pero nagdesisyon si papa na dito ako magbakasyon. Sa makalawa, uuwi na rin ako dahil walang nakatira sa bahay na nasa Pilipinas. Matagal na rin mula ng iniwan kami ni mama para sumama sa bago nyang pamilya. Nasa 11th year na ako ng high school, ayoko na sanang mag college pero mas mabuti na daw ang college grad. sabi ni papa kaya sinunod ko sya. Hindi naman kapos ang pamilya ko pero hindi rin naman kami sobrang yaman. Maykaya, ganyan ko sya i-describe. Dahil sa pagsisikap ni papa nagkaroon kami ng maayos na buhay. Nagtatrabaho sya dito sa New Zealand at uuwi lang kapag summer vacation. Hanggang sa bumalik nanaman sya dito sa ibang bansa dahil sa trabaho. May mga pinsan ako dito na halos hindi ko makausap. Sa totoo lang kinakabahan ako sa bago kong school pero sabi nga kailangan umalis sa comfort zone para mag grow. Nasa eroplano na ako, hindi na ako nagpaalam kay papa kasi nasa trabaho na sya, im-message ko na lang sya pag nakauwi nako sa bahay. Natulog na agad, sino bang hindi mapapagod sa halos kalahating araw na byahe. Napaisip ako bigla kung talaga bang mag aaral pa ko HAHAHAHAHA pero kailangan para naman atleast makapag stay nako kung nasan si papa. Kapag ako lang at si manang ang nandito ako na nag ggrocery kasi si manang na ang nagluluto. Pero okay naman na lahat,, nabili na nya yung mga kailangan dito nung wala ako dito. Lalabas na lang ako para bumili ng gamit sa school at sapatos at marami pang iba. Pagtapos kong magbihis ng halos pambahay lang rin tapos tsinelas, kinuha ko na yung bag na iniregalo sa akin ni mama. Eto lang ang regalo nya at wala ng iba pa. Fast forward. days had passed. Wala na, totoong pasukan na, masstress na ako sa homeworks, research, at iba pang mga activity. 7 ang start ng pang umagang klase namin at 6:30 na nasa bahay pa rin ako, maganda ang uniform, pero wala parin akong gana mag aral. Hindi naman dahil sa regular na ang work ni papa, gusto ko lang i-pursue ang painting pero walang may gusto maliban sa akin. Pagkakita ko sa school, nanghina ako agad, araw-araw eto ang bubungad sa akin. Maiingay at matatalak na klasmeyt na hindi mawawalan ng pulbo at liptint sa mga bag pero walang pad paper. Dzuhh. Hinanap ko agad yung room 142 para makaupo sa malapit sa bintana. Para naman may iba akong matanaw bukod sa mga ulo ng kaklase ko na bagong rebond at prof na nagkkwento ng buhay nya imbis na mag discuss about sa lesson. Super taas, at nasa 4th floor pala pero it don't make sense, kailangan ko lang mag ikot ng sandali and atleast before mag 7 nahanap ko na. Nasa tabi sya ng hagdan at cr, tapos may extra space sa gilid para sa kung ano mang activity na kailangan lumabas. Tignan mo kakaupo ko pa lang, biglang nag salita yung speaker na tumayo daw sa hallway kasi flag ceremony achuchu. Syempre sundin dahil kailangan, tayo at mag antay na matapos ang ceremony para sa mga bagong student. After that nag introduce yourself at dahil bago ang muka ng isa't isa, sabihin daw ang mga bagay na gusto mo. Pinauna ang mga babae, at iba ibang pangalan na somehow common, ang mga narinig ko. May mga gustong mag surf, mag basa, may animator at ako, "Chloe Gonzales, walang plano sa buhay, just kidding, I'm 17 years old and love writing poetries also snorkeling.", at naupo na dahil ayoko ng atensyon. Walang saysay ang sabihin na gusto ko mag-paint. Next na ang boys at doon ko nakilala si Harvs Bautista, he live to write poetries. Sya lang ang natandaan ko, kaunti magsalita. i see,, an introvert. Nag groupings na agad at tambakin na 1 by 1 picture ang kailangan... dadaan na lang ako sa print shop. Wala ng ink ang printer ko at mamaya na rin ako bibili sa abenson. Dahil wala pa akong kakilala, di naman ako friendly,, mag isa akong naglakad pauwi. Kasama ko lang ang sarili ko,, at earphone para diko marinig ang mga maingay na sasakyan. May habit talaga ako na hihinto bigla habang naglalakad kaya ayon may nakabangga sa 'kin, does not matter kung mag sorry pa sya kasi wala akong ibang marinig dahil sa earphone ko. Then pumunta ako sa bench na nakita ko, naupo at tumitig lang sa puno na nalalalagas ang mga dahon.Tapos ko na ang mga nirerequire na dadalhin para bukas, di ko namalayan ang oras. Its already 4:30, ang uwian namin ay 3:25. But here I am walang ganang umuwi, pero syempre kailangan. Pag uwi ko di na ako nag dinner, unakyat na ako sa kwarto, its twilight. Binuksan ko ang mga bintana ko at lumingon sa labas. Talagang masaya sa bahay. Na home-sick kasi ako sa ibang bansa. Nakaka-miss pala pumasok, kesa tumambay lang dito sa kwarto magdamag, ma-stress sa mga kalat na di ko nililigpit, dahil mentally unstable ang protagonist nyo. Nagising na lang ako sa katok ni manang Jona. "cloy,, may pagkain sa baba baka gusto mo, sayang naman kasi mukang masarap. Baka di ko maubos." "san po galing?." "sa katapat nating bahay, bagong lipat kaya nag abala pa. Magpalit ka na lalabhan ko na 'yan." sabay turo sa uniform ko. nakalayo na sya kaya di na ako nagsalita. nagpalit ng pantulog. bumaba at hinanap ang pagkain. Nasa counter. "ano 'to, te?" "di ko natanong anong tawag e, tikman mo na lang. wala namang lason. Moshorop." sabi nya sabay kain ng-yes carbonara. Naubos ko. shookt, binuksan ko yung tv at nagising na lang dahil ang ingay sa labas. Lumabas ako para makichismis anong issue. Pula. Blue. mga kulay na paulit-ulit. nakita ko na lang ang ambulansya. si manang. "ate!", hiyaw ko ng makita ko sya sa loob. hindi ko alam. walang nagpapaliwanag. walang nagsasalita. tumakbo na lang ako sa loob ng ambulansya. "alaga nya po'ko.",sabi ko at hindi na inantay na magsalita ang nurse. hindi na ako pinayagang makasama kung saan dinala si manang. tumawag si papa. hindi sya makakauwi. bakit hindi. Nang matanaw ko ang doktor. I see his sad eyes. "kamusta po si ate Jona?," i asked with my teary eyes. "alam kong ayaw ka nyang iwan, ayaw ka nyang mag isa. anlakas nya, lumaban sya. pero hija may mga bagay na hindi natin mapipigilang mangyari."alam ko na. at ayaw ko ng marinig. Mabilis lahat. Hindi ko pa napa-process kung totoo ba lahat. BANGUNGOT. naalimpungatan lang ako. Pero hindi. Inantay nya lang ako na makapasok sa unang araw. Ipagluto ako ng breakfast at makita akong naka uniform. Hindi ko na alam. Mag isa ako lagi pero hindi ganito na wala talaga. Mag isa ako pero may kasama ako. Pero ngayon, mag isa ako at wala akong kasama. Umalis rin si mama pero alam ko na buhay sya. Kahit.kelan ko gusto makikita ko sya. Pero si ate jona hindi. Limang taon ay hindi sapat para iwan nya ako. Matandang dalaga, maalaga, masarap magluto, ang galing mag plantsa. sakto sa oras mang gising. Mahal ko sya kesa sa hoodie ko ng Neck deep. Pinauwi ako ng kapatid ni ate Jona, kailangan ko daw magpahinga. Walang nagsasabi kung bakit. Anong dahilan at paano. Hinatid ako pauwi. Tulala. Hindi makapaniwala. Sinabay pala ako ng nurse kanina. "Hindi maibabalik ang lahat." habang nagddrive sya bigla syang nagsalita. "Alam ko.", nasa passenger seat ako at alam ko na rude yung pagsagot ko. "Mag isa ka lang ba?" tanong ng tanong amp. "May papa ako, nasa ibang bansa nga lamang." ang mahalaga hindi ako mag isa. Kahit sa bahay mag isa lang talaga ako. "mabuti syang tao. sya nag suggest sakin na may bahay sa tapat nyo. napadali pa ang paglipat namin dahil sa kanya.", sya pala ang nagbigay ng carbonara kanina. "Mabuti sya sa lahat ng bagay. Kahit pera nya binibilan nya ako ng snickers. Sya ang dahilan kung bakit ako na-inspire mabuhay." Almost 12 na pagtingin ko sa phone ko, nasa tapat na kami ng bahay. "Salamat po sa libreng sakay. " sabi ko bago ako lumabas. "Kumatok ka lang sa bahay na yan kung kailangan mo ng kahit ano." sabay turo sa bahay na katapat ng bahay namin. Nag bow lang ako at dumiretso na sa loob ng bahay. Pinilit kong bumangon..Walang pangangamusta mula kay papa. Pero ayos lang ako. Hindi ako nangungulila. Hindi ako isolated. Hindi ako umiiyak at lalong hindi ko namimiss si ate Jona. Hindi naman nadagdagan ang unstableness ng utak ko. Hindi talaga. "ATEEEE JONAAAAA!." hindi ko kaya. Kaya sumigaw ako habang pumapatak ang mga luha ko. Humagulgol ako dahil hindi ko alam. Namimiss ko agad sya. Walang nagbukas ng kurtina. Walang sunigaw na 5:30. Walang nagsalitang "Breakfast na sleepy poophead.". Kung ganito araw-araw baka magkulong na lang ako dito.. At yun nga ang ginawa ko. Wala akong pake sa groupings na nangyayari sa school. Nagutom ako kaya bumaba ako. Wala ng laman. Gatas na lang at kamatis. Anong gagawin ko dito. Kahit quacker wala. Bumalik ako sa taas para kunin ang wallet ko. Lumabas ng walang ginawang kahit ano. Naka pajama at hoodie. Nakarating naman ako sa supermarket. Binili ko lahat ng gusto ko na ayaw ni ateng bilhin ko. Pagalitan mo na ko. Pakiusap pagalitan mo ako. Hindi ako baliw. Namimiss ko lang talaga sya. Pag uwi ko may mga student akong nakita na naka uniform ng dun sa school na pinapasukan ko. Pangatlong araw na akong hindi pumapasok. Nagpakita lang ako nung first day,, iwan na iwan na ako. Isang linggo akong nagluksa at pinilit pumasok. Lunes. "SHUNGINAAAAAA! DI KA PA BA TITIGIL SA KAKAPATAK?!", sigaw ko sa jarap ng salamin. Nag echo lang ang malakas kong sigaw sa.buong bahay. Dumiretso nako sa labas at walang pake sa paligid. Plantsado naman ang uniform ko, nakakagalaw na ako kahit papano. Paglabas ko sa gate, may nakita akong kotse sa harap. Kotse nung nurse na babae nung nakaraan. "sumabay kana, ihahatid ko rin 'tong isa.", hindi ko pa alam abg pangalan nya. Naging bastos pa ako nung nakaraan kaya nakakahiya. Pumasok na ako nang hindi nililingon kung sino man ang katabi ko. "Isang linggo rin.", napalingon ako. "Magkaklase daw kayo, kaya tama lang na inantay ka namin.", yes palakwento. Baka sinabi nya lahat kung paano ako kumilos sa loob nang room. "pwede po bang malaman pangalan nyo?", alam kong labas sa usapan pero kailangan ko lang malaman, "Macy, tawagin mo na lang akong tita Macy para hindi awkward." sagot nya habang nagddrive. Doon natapos ang usapan. Pagdating sa school nagpasalamat na lang ako at dumiretso sa room. Nakasunod pala si Harvs. "Nakita ko yung painting sa tabi ng pinto nyo, gawa mo yon?", bigla nyang tanong. umiling ako. "muka ba 'kong marunong mag paint?", at dumiretso sa paghakbang sa hagdanan na parang walang katapusan. "just wondering.", hindi na ako nagsalita. Nakarating kami sa room. May nakaupo na sa pinili kong upuan. Nag groupings na talaga sila. May nakita naman akong vacant chair kaya naupo na lang ako. No choice. Dumating ang prof at nagtaas ako ng kamay para mahnapan nya ako ng grupo. "What's the issue maam?" "Do I belong to any group in your subject, Sir?" "last name." "Gonzales" "Be with... " a short pause " Bautista's group.That's for general. I mean overall." "thank you sir.", okay... hahabol na lang ako sa mga activity. Pinalipat na ako sa tabi ng group where I'm assigned. I mean upuan. DISCUSS.. DISCUSS. DISCUSS. "CLASS DISMISSED!.", right. nakakamiss mag antay ng uwian. May mga ilang kulang ako at gagawin ko mamaya sa bahay. Sana nandon pa yung tumutulong sa akin sa mga activity ko. Iniling ko na lang ang ulo ko dahil wala namang patutunguhan ang pag iisip ko. Malulungkot lang ako. Dadaan ako ngayon sa wet market para bumili ng karne. At mag imbento kung ano ang lulutuin ko para sa hapunan. Nakalabas na ako ng school. Pero napahinto ako dahil may humatak sa bag ko. "Bakit di ka nang aantay." si Harvs. "Wag mong piliting maging friendly, di ko kailangan ng awa.", sino ba naman ang di maawa sa babaeng iyak ng iyak tuwing gabi. Hindi na lang nagrereklamo ang kapitbahay dahil sa nakikiramay. "Anong sinasabi mo?" habang hawak pa rin ang backpack ko at nakatalikod naman ako. Inalis ko ang dalawang braso ko sa pagkakasabit mula sa bag at nagsimulang maglakad palayo. Dalhin nya yang bag ko. Muka namang bet nya e. "May dadaanan ka pa ba?", ang karat naman neto. akala ko introvert shuta. "Mamimili ng karne dyan, kahit saan.", kasabay ko na sya maglakad. Dala nya pa rin yung bag ko. "Sabi ni Macy magluluto sya ng marami, pinapasabi dun ka na daw maghapunan.", huminto ako at hahablutin sana yung bag ko. Nandon wallet ko pero ayaw ibigay. "Kukuhain ko lang wallet ko.", parang di ko sya mapipilit. "Kunin mo yung wallet ko, dyan sa pocket. Daliii.", hinalwat nya naman at inabot sa akin kaagad. "Pasabi kay tita Macy ulam na lang ibigay." "ANO BA!", sigaw nya. "SHUTA BAT KA SUMISIGAW!", sumigaw ako pabalik. Tila naman bata. "Pumunta ka na lang mamaya.", hindi ako pala away pero di rin ako madaling mapilit. Hindi na lang ako maghahapunan. Gusto ko ng matulog agad. Tuloy tuloy lang ako hanggang sa sakayan ng tric, at bumaba pagdating sa tapat ng bahay. Wala akong pinansin. Nagbayad na lang ako. "Ate nabayaran na po.", sabay turo kay Harvs na nagbubukas na ng gate nila. Dala yung bag ko. SIGE. pumasok ako at humilata sa couch. quarter to 4 na kaya nagsaing na ako. Nasa bag ko yung phone ko. Lumabas ako at nag doorbell sa bahay nila ate Macy. Si ate Macy ang lumabas. "Ate pwede ko po ba makuha-" di ako pinatapos. "Halika, pumasok ka anak.", napahinto ako bigla. anak. Napakatagal na, Kalahating buwan na simula nung nawala yung tumatawag sa akin ng "ANAK". "Hindi na po, yung bag lang naman po yung kailangan ko. Yung royal blue po ang kulay", nahalata nya yung pagbago ng mood ko. Kaya pumasok sya, hindi nako sumunod. Maya-maya paglabas nya, wala yung bag ko. Nagpumilit sya at sumunod na lang dahil wala akong magawa sa kulit nya. Nakita ko agad yung bag ko, sinukbit ko na sa balikat ko at hinanap agad yung phone ko. 5 missed calls. Si papa. Nag ring nanaman. Sinagot ko at galit na tono ang bumungad sa maarte kong tenga. Nilayo ko na lang yung phone sa tenga ko. Galit sya kaya pinatay ko na. "mauna na po ako tita Macy.", sabi ko na lang habang hiyang hiya. "Dito kana sana maghapunan." kita ko naman ang pag aalala nya. "Salamat na lang po, pasensya na rin po.", sabay hakbang palayo at ready ng humagulgol. Nagtext ako na okay lang ako. In-off ko yung phone ko. Walang mang yayari kung mag uusap kami ni papa nagyong galit sya. Ganon sya. Kahit walang mergency, basta natripan nyang tumawag ng isang beses tapos di ko nasagot tatawag sya ng tatawag. Hanggang magalit. Nag alala sya, alam ko naman pero wag syang mag panic. Naka idlip ako sandali. Nagpatugtog ng metal rock sa stereo at gumawa ng mga acitvity na kulang ko. Kaunti lang kaya natapos ako agad. At nag iiyak ng kaunti. KAKAPALIT ko lang ng pambahay na damit ng makita kong inilayo agad ni Chloe yung phone mula sa tenga nya. Nagmamadali syang lumabas. "mmy, bakit umalis yon?", tanong ko kay mom. Yung muka nya halatang malungkot. "father issues, kumain na tayo. Di ko sya napilit na dito na mag-dinner." Bigla syang tumalikod, "Dalhan mo ng ulam si Chloe. Mamaya ka na kumain. ", sambit nya habang naglalakad palayo. Naibalot na niya yung dadalhin ko. Nawalan ako ng gana bigla. "Di na ako kakain, baka ma late ako ng pag uwiiii mmy!", sigaw ko ng palabas na ako para ihatid ang ulam ni Chloe. Naiwang bukas ang gate. Kaya pumasok na lang ako. "Tao po!", sumigaw ako, nang nasa pinto na ako, nakakabinging tugtugan na metal rock ang naririnig ko. Sapat na para wala kang marinig sa paligid,, hindi naman nakaka abot para mabulabog ang mga katabing bahay. Nasan naman kaya yon. "we've been like lonely planets and feel like cold moons, like satellite join to your gravity, i revolve around you. I think you think just a li'l too much, space out a li'l too much, less talk a little more touch. Its alright we're all good~" Nakita kong lyrics sa screen ng tv nila. Nakatitig lang ako sa screen ng biglang humina ang volume. "Sabi ni mommy dalhan daw kita, kasi bigla ka daw umalis. ", kasalanan ko. Dapat hindi ko na kinuha yung bag nya. Mukang kakagising nya lang kasi magulo yung buhok nya, pero parang umiyak. "Ilapag mo na lang dyan," turo nya sa dining table sa kalayuan. Malawak ang bahay na'to para sa babae. Wala pang kasama. Tss. pero parang may party kung magpatugtog ng stereo. Nawala sya bigla. Nakakatakot naman yung babae na yon. Biglang susulpot tas mawawala. Pagbalik ko sa living room, nakaupo sya. Pinatay nya na yung tv at nagseselpon. Naupo lang ako, walang maisip kung paano babasagin ang katahimikan. "Sorry.", Chloe sorry. "SORRY!" sumigaw na ko pero parang walang gulat sa katawan tong tao na ito. "Ano pang kailangan mo?", salamat at sumagot na sya. "Kumain ka na." "Ikaw. Umuwi ka na", sagot nya habang natitig pa rin sa phone nya. "Kumain ka muna", pagpupumilit ko. Alam ko, isip bata ako. Matured enough si Chloe dahil hindi sya nagalit nung kinuha ko yung bag nya kanina. Hindi ko naman kilala 'to e. Di rin naman ako friendly. Sabi lang ni mommy na walang masama sa pakikiramay. "Magkwento ka. ", di ko alam bat ko ginagawa to. Pero kailangan kong malaman kung anong problema. "Magkwentooo kana, ", ingit ko na parang bata. Sabay lumipat sa tabi nya. Umusod naman sya para makalayo pero sumusunod ako. "Galit kaba?" tumingin na rin ako sa phone nya. *5 missed calls-PAPA KAYA. PALA. GALIT. SYA. SAKIN. Kahit si mama pag nagtatampo ang hirap nyang suyuin. Sino ba ang di magagalit sa ginawa ko. Pumunta ako sa kitchen at nilabas yung tupperware ng ulam sa kinalalagyan nito na bag. Binuksan ko yung ref na nasa bandang likuran ko. Nagulat na lang ako sa laman, pero di na ko magtataka. Be Mag isa. Walang karamay. Puno ng in cans na madaling lutuin at ang iba ay ready to eat. Ilang soda. Naghalwat pa ako. Cabinet of Junk foods, mugs at champagne glasses. Hindi ko pa nakikita ang mga magulang neto. Sila ang dahilan kung bakit ganito 'tong babae na'to. "Kumain ka na rin.", Nasa likod ko na si Chloe, pinagmamasdan kong kumuha ng pinggan at kutsara. "eto yung ulam na pinadala ni mommy.", sabay bukas sa microwavable tupperware. Naupo na lang ako. Ayoko ng mangi-alam. Andami ko ng nahalwat. "feeling close ko no?", sabi ko na lang. "salamat. sa ulam.", di nya ko pinansin. di ko alam kung nagpapasalamat sya sa pagiging fc ko or sa ulam lang talaga. Pagtapos ko syang sabayan sa pagkain. Ako na lang ang umuwi. Hindi sya pala-salita. Tyempuhan lang. Sa room kahit magkagrupo kami kung umakto sya ay parang hindi kami mag kapit bahay. Pagtapos kumain ako na ang nahiya kaya nagpaalam nakong umuwi. Dala ang tupperware ng ulam . Naghugas na rin ako ng mga pinggan, kaya humakbang nako palabas. Pagtingin ko sa likod nakita ko sya doon. "Mauna na ako. Magsara ka ng pinto.", sabay talikod. "PAKISABI kay tita Macy salamat aa ulam.", sabi ko kay Harvs bago tuluyang lumayo. "Makakarating!", sabay ngumiti ng bahagya at tuluyan ng lumabas. Pag akyat ki sa kwarto ko nakita ko na bukas pa ang bintana, at natanaw mula sa bintana ang tamad na paghiga ni Harvs sa kama nya. Sinara ko na lang ito at hinawi pati ang kurtina。 Sana kahit si papa nandito, kahit pusa kasi wala. Ako lang at ilang mga multo na nangungupahan sa bahay na to. Biro lang. SABADO na ng umaga, naisipan kong mag jogging sa buong subdivision, hindi pa mataas ang araw kaya hindi ko dapat sayangin ang oras sa pag iisip ng kung ano anong bagay. Naupo muna ako sa upuan sa clubhouse ng subdivision at uminom ng tubig, nabili kong bottled water sa tindahan na nadaanan ko sa pagtakbo ng dalawang ikot. Naka earpods ako kasi mas nakakamotivate tumakbo kapag ganon. Naka pajama lang ako at lose shirt, hindi ko naman kasi siniseryoso 'to kaya ganito lang ang suot ko. Pag uwi ko may nakita akong nakatayo sa gate namin, tanaw ko mula sa malayo. Natatakot ako lumapit kasi di ko naman kilala. Lumapit na lang ako at nagtanong. "Ano pong sadya nyo?", tanong ko sa lalaki na medyo bata ang edad kaysa kay papa. "maam kayo po ba ang nakatira dito?", tanong nya at tumango naman ako bilang sagot. "Ikaw ba si Chloe? Ang anak ni Apollo?", "Ako nga po. ", sabay iniabot ang isang package. "Delivery po para sa inyo.", pagabot nya ay agad syang tumalikod at naglakad papalayo. Bakit biglaan naman, di pa sya nagsabi na may ipapadala sya. Kaya nagtataka ako, pero pagbukas ko.... "Happy Birthday anak. to Chloe Gonziee. from papc.", napangiti ako dahil sa typings nya at sa mga naimbento nyang words. "Ito na lang ireregalo ko sayo tutal halos lahat naman ng gusto mo ay naibigay ko na. Maliban lang sa makauwi at mag-stay sa pinas. Anak salamat sa pag-intindi.Mag iingat ka palagi. Love, papa. " Isang bracelet na may letrang "C", tali lang na black at may pendant na silver, doon naka ukit ang letrang C. Ibig sabihin, Chloe Cachle. Hindi pa ngayon ang bday ko pero ang mahalaga, hindi ni papa nakalimutan. Natutuwa akong isipin na lumayo sya para sa maayos kong buhay. "Tao po!"。Rinig kong sigaw ng baritoneng boses mula sa gate.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
305.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook