Chapter 7

2815 Words
"Brixz, tingnan mo nga kung tama 'to." Sabi ko sabay lahad sa kaniya ng notebook ko. "Patingin." He said in a serious manner and handed out his other hand as he looked at his notebook. May pinapasagutan kasing seatwork sa Math ngayon at medyo nahirapan akong sagutan ang iba sa mga given kaya pinatingin ko ito kay Brixz na madalas kong gawin kung hindi naman niya hihingin ang notebook ko. Despite Brixz tormenting for the past months malaki pa rin ang natutulong niya sa akin. May pagkamakulit si Brixz pero may ibubuga naman siya pagdating sa acads. Makulit siya at maingay but at the same time an active student. "Hmm," Napatingin ako sa kaniya na seryoso ng tinitingnan ang notebook ko. He's holding my notebook using his right hand that was laying over the back of his armchair. Nakapatong naman ang baba niya sa isang kamay niya na nakapatong sa lamesa ng armchair niya habang nakaharap ng buo sa akin at nakataas ang mga paa sa upuan. He placed my notebook over his right thigh and leaned towards me. "Diba dapat negative 'to?" Sabi niya sabay turo ng sagot ko sa number 3 gamit ang dulo ng ballpen niya. "Okay na naman na yung iba. Yung number 5, 'di mo pa tapos?" Tanong niya na inilingan ko na lamang. "Pa'no ba 'yon? Same lang ba ng formula sa number 3?" Tanong ko habang palipat lipat ang tingin ko kay Brixz na binalingan muli ang notebook niya at sa notebook ko dahil halos magkapareho lang ang itsura ng 3 at 5 na given. "Here." He said as he passed me his notebook once he finished writing his answers. "Ituro mo na lang sa'kin kung pa'no para magets ko." Sabi ko dahilan para bumuntong hininga siya at lumapit sa akin dahil wala namang harang sa gitna namin. "Brixz, paturo." Napatingin naman kami ni Brixz sa isa sa mga kaklase kong babae nang bigla itong sumingit. "Kay Aidan na lang. Nauna si Ruby." Sabi niya habang nakangiti bago ako binalingan. "Diba x minus h squared plus y minus k squared equals r squared?" Sabi niya at sumulyap pa sa akin, naninigurado kung nakikinig nga ba ako. I nodded and listened to him. Minsan pa akong nawawala sa konsentrasyon habang nakatingin sa kaniya imbes na makinig sa itinuturo niya sa akin kaya inuulit ulit niya ang sinasabi niya sa akin. He started teaching me how to equate the circle and find the center. Palipat lipat ang tingin ko kay Brixz at sa notebook niya at sa notebook ko habang nakikinig at nagsusulat. Medyo nahihiya pa nga ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa at dahil alam ko rin na hindi pa siya tapos sa kaniya. I was distracted because of the way he taught me. The way his voice sounded so gentle yet smart. The way he repeated his lectures, making sure that I learnt them properly. "Tama na 'to?" Tinuro ko naman ang sagot ko gamit ang ballpen na hawak ko. He checked it and said yes before he continued his seatwork once he finished teaching and guiding me. At dahil tapos naman na ako ay idinukdok ko muna ang mukha ko sa ibabaw ng mga braso kong nakapatong sa armchair ko at pumikit. After a few seconds ay hinarap ko ang mukha ko patagilid at tiningnan kung tapos na ba si Brixz. Gusto ko sana siyang guluhin kaso kasi, mukha siyang seryoso at magagalit sa sandaling maistorbo ko siya dahil nakakunot na ang noo nito at tutok na tutok na sa ginagawa. His brows are quite furrowed as he held his head by his hair using his other hand while the other one is holding his pen. Napangiti naman ako nang bumuntong hininga siya at napapikit bago nagsulat. "Brixz, paturo nga." Singit naman ni Kyro. Sakto namang natapos na si Brixz binigay na lamang ang notebook niya kay Kyro. Nako naman. "Kopyahin mo na lang, nahiya ka pa eh." I laughed at his sentiment. After waiting for 5 minutes ay nagcheck na rin kami. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makakuha ako ng perfect score. Buti na lang talaga at nagpaturo ako kay Brixz. "Brixz, practice kayo ni Talia." Rinig ko habang nakatago ang mukha ko sa ibabaw ng mga braso ko nakapatong sa lamesa ng armchair ko. Brixz and Talia are the representative of the Grade 10 for the school Mr. And Ms. ng school namin. Sila ang napili sa tatlong babae at tatlong lalaki na nagmula sa section namin at sa dalawang section. It was supposed to be me that will represent our section pero hindi na nila ako isinali dahil kasama ako sa majorette ng school namin kaya si Talia na lang ang pinili nila Ms. Yvonne at ng mga kaklase ko para sa contest. "Jadie, ikaw nga." Sabi sa'kin ni Nyx sabay turo sa gilid ni Talia. They are practicing their posing and their walking posture and I was watching them teach Talia to walk in heels as I lean on the wall beside our room. Hindi kasi siya sanay na magsuot ng heels kaya hirap siyang maglakad kapag nakasuot nito. I usually wear heels dahil madalas akong sumali sa mga beauty pageants mula Grade 7 at si Mommy madalas ang nag aayos ng mga susuotin ko. The first time I joined the contests Mom taught me how to walk properly because just like me, she always joins beauty contests before. I walked towards them and positioned myself between Talia and Brixz. Nilingon ko si Talia at tipid na nginitian bago binalingan ng tingin si Brixz sa kaliwa ko. Tumikhim ako at napatayo ng maayos nang maabutan kong nakatingin din pala si Brixz sa akin. Biglang nawala ang balak kong tarayan siya dahil sa mga mata niyang nakatingin sa akin. "Game?" Nyx asked, which made me look around the hallway and the room beside us before I nodded. Nandito kami sa pinakadulo ng hallway at nasa gilid ng room nila Dark. Halos wala rin kaming ginagawa buong linggo maliban na lamang sa mga may kulang dahil next week na rin ang pasahan ng grades for fourth quarter na nasabay sa Foundation Week namin dahil 3 days from now ay ang contest ng Mr. And Ms. ng school namin at Thursday pa lang naman ngayon pero ngayon pa lang ay inaayos na namin lahat para ready na next week. I listened to the music and prepared myself. I straightened my posture, chin up and looked straight ahead. Nang pumunta na sa chorus ang kanta ay tsaka ko sinimulang maglakad. With my back straight as possible, shoulders pushed back and down in a relaxed manner, my arms slightly swinging back and forth wearing a serious face as I walked confidently on beat. "Eyy!" Nilingon ko ang mga kaibigan ni Brixz na nanonood na rin pala sa amin dito sa labas. Nyx stopped the music kaya naman nilakad ko ang pwesto nila Kyro, Alen at Aidan at pumwesto sa tabi nila. "Baka muse namin 'yan." Proud na sabi ni Kyro sa gilid ko na dinaan ko na lamang sa ngiti. After a while of practising, napagdesisyonan nina Nyx na mamaya na i-practice na lang daw muna ang gagawin nila for talent portion. Both Brixz and Talia have their own performance so there's no need for them to practice together. Sigurado naman akong napaghandaan na nilang dalawa iyan lalo na't last week pa sinabi sa amin ang contest. For the past few days we are all busy preparing for the program. Bukas na ang opening ng Foundation Day namin at paniguradong mas lalong matatagalan kami sa practice mamaya. One week ang allotted time namin para sa celebration ng Founding Anniversary ng school namin. 1 day per department and the rest of the remaining days for the week ay walang pasok dahil school staff naman ang magse-celebrate kaya naman long weekend next week. "To our school directress, Mrs. Saavedra, our school principal, Dr. Cordova, teachers, students and guests, Good Afternoon!" Today is the opening of our Annual Founding Anniversary. Kagagaling lang namin sa labas kanina para pangunahan ang parada bilang pagbubukas ng selebrasyon bago nagsibalikan ang middle school and highschool students sa kaniya kaniyang room para magklase. Kahit naman may celebration ay may klase pa rin ang mga higher grade levels dahil ang mauuna ngayon ay ang mga nursery, kindergarten and primary department. Pero minsan ay wala, depende sa subject teachers kung sisiputin pa nila ang susunod na klase nila o kaya hahayaan na lamang silang maghanda para sa contests. "Tayo muna kayo. Tapos pagkatapos magsalita ng MC alam niyo naman na ang gagawin diba?" Tanong ng MAPEH teacher namin na may hawak din sa drum and lyre ng school namin at mga majorette. It's already 9 in the morning and here we are under the hot boiling sun. Buti na lang at pwede kaming sumilong silong sa gilid gilid at umalis alis habang hindi pa tapos ang program at babalik na lang pagpatapos na. "Adie, canteen tayo. Kanina pa ko uhaw na uhaw, grabe." Pagod na sabi ko habang nagpupunas ng pawis at bitbit bitbit ang baton ko na may red tassels sa bawat dulo. Kasama rin si Adie sa nagda-drum and lyre dito sa school namin at siya madalas ang kasama at kausap ko kapag practice. Hindi naman kasi ako masyadong palakausap lalo na sa mga taong hindi ko naman kaclose. We went in line to buy our food when we entered the school canteen. Kaunti pa lang naman ang tao since katatapos lang ng lunch ng mga estudyante sa building na ito pero may mga ibang tumatambay naman dito sa baba at manood kaya medyo marami ring tao ang nasa hagdan at sumisilip dito. Adie and I decided to go to our rooms to freshen ourselves and to rest for a while after we bought some snacks and drinks. Mainit kasi sa baba at wala naman kaming gagawin sa susunod na oras lalo na't ongoing pa ang program. The program would approximately end at around 10:30 or 11. I opened our classroom door and stepped in. Napahinga naman ako ng maluwag nang maabutang magulo at walang ginagawa ang mga kaklase ko. I walked straight towards my chair and sighed. Tinangal ko muna ang black boots ko at inilagay sa ilalim ng upuan ko. I inserted my baton in my bag and sat. "Wife." I rolled my eyes once I heard his voice. Hindi ko na lamang siya pinansin pa at hinayaan na lamang. Ano na naman bang trip nito? Brixz has been calling me 'wife' since the day we pretended to get married at the marriage booth. Alam kong nagbibiro lamang siya kapag tinatawag niya ako ng kung ano ano para lamang inisin at asarin ako pero kapag seryoso o galit ay talagang full first name ko talaga ang sinasabi niya. "Wag mo 'kong kausapin. 'Di mo ako asawa at wala akong asawa." Pagod na sabi ko bago dumukdok sa table ng armchair ko. "Oo nga pala, liligawan pa lang pala kita." Sabi niya dahilan para marahas akong umupo ng maayos. "Sige lang, never naman kitang sasagutin." Iyon lamang ang naisatinig ko dahil sa gulat at kabang rumehistro sa akin dahil sa sinabi niya. Manliligaw siya? Totoo ba 'yan? Hindi naman sa umaasa ako o ano pero...totoo? O baka niloloko lang ako nitong lalaking 'to? Kasi kung totoo man ang sinasabi niya ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin o sasabihin ko. At kung seryoso nga siya....sasagutin ko ba siya? Sasagutin? Come to think of it, bakit ko naman siya sasagutin? I don't even like him! Ni hindi nga mga kagaya niya ang mga tipo ko. Sasayangin niya lang ang pera't oras niya sa'kin. Well, pera ng magulang niya. "Pasado ba?" He asked which made me turn to him. Brixz is not ugly, in fact he's actually good-looking. His face is poreless, he has brown soft hair, his black eyes are double lidded. He has a high straight nose and from his nose bridge, my eyes landed on his lips and I gulped. "Ako lang 'to, Ruby. Huwag ka ng mahiya. Magkukunwari ka pa ba?" Taas noong sabi niya kaya umangat ang tingin ko sa mga mata niya na may kakaibang kislap habang nakatingin sa akin. "Heh!" I spat. "Ano nga?" He asked, again. "N-no. Of course not, lalo na kung kagaya mo." Mukhang napatigil si Brixz ngunit maya maya pa ay umangat ang kabilang dulo ng labi niya na tila ba ay may naisip. "Ano ba’ng type mo?" "Alam mo Brixz, bata pa tayo kaya tigil tigilan mo ako sa kagaganiyan mo." Sabi ko na lang para lamang tigilan na niya ako. After that, hindi na muna kami masyadong nakakapagusap dahil sunod sunod na ang pagtawag at pag excuse sa amin para sa practice. We became more busier as the days ran fast. Hindi kami masyadong nagkakasalubong ni Brixz dahil busy sila sa practice nina Talia para sa contest. "Hi! Good afternoon everyone! My name is Talia Reine Frias! Representing the 10th Grade!" I looked at Talia surprisingly as she was smiling in front of everyone confidently. Mabilis naman akong natawa nang tumalikod siyang kagat kagat ang labi at nakatingin sa tinatapakan tila kinakabahang matumba o madapa. Talia was so nervous when Adie and I visited her inside their room for preparation. Pilit namin siyang pinapakalma habang sinasabi niya ang mga inaalala niya. She gets talkative when she's nervous. "Shuta ka!" Malakas na sabi ni Adie na sinabayan pa ng malakas niyang tawa dahilan para malakas na tumama ang kamay ko sa braso niya. "Aray! Gago ang sakit!" Reklamo niya kaya agad ko namang nilakihan ng mata ng matigil sa pagsasalita. "Why am I even here? Diba dapat ikaw ang nandito?" Sisi ni Talia sa akin kaya naman nilingon ko siya at ginawaran ng alanganing ngiti. "Hehe, Tal—" "Hehe." Agad ko namang sinamaan ng tingin si Adie ng gayahin niya ako kaya naman binigyan niya na lamang ako ng nangaasar na ngiti. Kung minsan talaga napapaisip na lang ako kung magkapatid silang dalawa ni Brixz eh. "Bakit ba kailangan nito? Kulang na lang ng toppings ang dami kasing harina na may kulay. Do I look like a cake now?" Tanong ni Talia na ikinailing ko na lamang. "Guys! Ready na!" Sigaw ng mga SSG officers na nagha-handle ng program. "Talia, oh." Binigay ni Adie ang heels kay Talia na nakasuot na ngayon ng old rose colored Filipiniana gown niya. "Talia, tara na." Tawag ni Nyx kay Talia na kakasuot lang ng heels niya habang si Brixz naman ay nasa gilid niya at nakasuot ng Barong Tagalog niya. Naalala ko tuloy noong inagaw niya yung wiggles ko. He was looking around when his eyes met mine that made me stiffen. Nang matauhan ay inirapan ko siya at nagiwas ng tingin. After the national costume ay hindi na kami pinayagan ng mga SSG officers na pumasok pa sa loob ng room na para sa preparation ng mga contestants dahil masyado na raw'ng madaming tao sa loob kaya naman bumalik na lang kami ni Adie sa linya ng section namin at naghantay. "Ayan na! Ayan na! Uy! Asan na yung banner?" Tanong ni Adie kaya naman ibinigay ko na sa kaniya ang cartolina na dala namin. Naging sunod sunod ang sigawan sa bawat labas ng mga kandidato. People are getting wild as they see and cheer for their contestants. We are already in the third category which is sports wear. May nag suot na rin ng badminton costume, volleyball at baseball. "Jade! Jadie!" Nagkukumahog na sabi ni Adie sabay yugyog sa akin. "Si Talia na 'te." Sabi niya bago nakipagsabayan sa sigawan habang iwinawagayway ang banner na gawa namin. Hindi ba 'to napapagod? I looked at the stage and saw Talia wearing a black, blue and white cheerleader costume, her hair done in high pigtails while holding a set of silver and pink pom poms. Beside her is Brixz wearing a white and blue jersey and a blue bandana tied on his wrist with a ball resting between his hip and arm. I gasped together with the cheers and shouts from the other audiences when Brixz pulled Talia closer to him by her waist which made her hold onto his shirt and shoulder. "Wag ka magalala Jade's, 'di naman type ni Talia si Brixz." Sabi ni Talia sa gilid ko na ikinairap ko naman. Ako rin naman ah? Ano bang pinagsasabi nito? "Sinabi ko bang type ko si Brixz? Ayoko sa mga lalaking mabiro." Masama na ang tingin ko sa stage habang tinitingnan ang dalawa. "Ay, shala." Komento niya. "Oo, magaling siyang makipagbiruan pero ang puso mo'y hinding hindi paglalaruan." Kanta pa niya na may kasamang hand gestures na tinawanan ko na lamang. My eyes once again fell on Brixz who’s smiling and waving to the audience like the typical famous team captain in romance books that I secretly read.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD