CHAPTER FOUR
I AM so freaking late. Masesermunan na naman ako nito ni Sir. Kagabi kasi, after the party ay alas tres ng umaga na ako nakauwi. I endured hours of awkwardness with my boss bago niya ako sabihan na mag-enjoy kasama ang mga kaibigan ko. Kaya `yun, napilit nila akong uminom ng light beer.
Tahimik ang office nang makarating ako—although lagi naman. Agad akong naupo sa mesa ko para buhayin ang computer ko.
Hilong-hilo pa ako hindi dahil sa nainom kong beer kundi dahil sa kulang ako sa tulog. Kahit hindi ako tumingin sa salaaming ay alam kong sabog ang buhok ko at namamaga ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pintig ng puso ko—an indication na kulang ako sa tulog.
Pumunta ako sa pantry para mag-timpla ng kape nang makarinig ako ng tawa ng isang babae. Mabilis akong lumabas at sinilip ko ang pintuan sa office ni Sir.
A woman? In my boss’ office? Kilala ko kasi ang tawa ng pamangkin ni Sir kaya alam kong hindi iyon si Ma’am Lorelei.
Kinuha ko lang ang mug ko bago bumalik sa table ko. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan sa office ni Sir at niluwal nito ang babae kasunod si Sir.
I blinked my eyes twice when I saw how gorgeous the woman is. Her lips are red as cherry. Her brunette hair is tied in high ponytail. Her perfect brows complementing her almond shape eyes. Hindi ko na kailangan malaman kung anong brand ang kasuotan niya maging ang bag niyang nakasaklay sa kamay niya dahil mukha iyong mamahalin. Everything about this woman shouts sophistication.
“Miss Torres, ibigay mo kay Ms. Aragon ang business card ko,” rinig kong sabi ni Sir.
Kumuha ako ng business card sa drawer sa ibinigay sa babae.
She was all smile when she received the card but it didn’t passed me her sharp stare towards me.
“Thank you so much for the time, Kent. I really appreciate it,” she seductively said to Sir Kent that made me cringe my nose.
Ang weird lang kasi na may kasamang babae ang boss ko apart from his niece.
Nakita kong humawak ang babae sa braso ni Sir na may kasamang himas at pisil. Tiningnan ko kung mayroong reaksyon si Sir Kent pero blanko ang mukha nito.
Geez! What’s wrong with my boss? Hindi ba siya nagagandahan kay Ms. Aragon?
“It’s my pleasure,” tanging sagot ni Sir at maingat na kinuha ang kamay ni Ms. Aragon. He was holding her arms while guiding her towards the elevator.
“I’ll call you.” I heard her say.
“Anytime.” Sagot naman ni Sir.
Napakunot-noo ako nang maramdaman kong sumisikdo ang dibdib ko. Sa hindi malamang dahilan ay nawalan ako ng ganang mag-trabaho.
Gusto kong makita na magkaroon ng lovelife ang boss ko. Pero ngayong may magandang babae na nagpapakita ng interes sa kaniya, hindi ko alam, naiinis ako.
***
WEEKEND at napag-desisyunan kong mag-general cleaning sa bahay. Haris and Mica helped me with the chores. Habang naglilinis ay panay ang check ko sa pinapakuluuan kong nilagang karne.
Bago magtanghalian ay dumating si Mrs. Adelpa, ang may-ari ng apartment para maningil. She likes us kasi kahit kailan ay hindi kami na-late sa pagbayad ng upa. Gusto ko sana siyang imbitahin para manghalian kaso sisingilin pa raw niya ang mga katabi naming apartment.
Matapos kaming mananghalian ay tinulungan ako ni Mica na maglaba. Good thing we have a washing machine that I bought years ago noong mid-year bonus ko. Si Haris naman ay ang nagsampay sa likod.
We had a productive Saturday.
Sunday at maaga kaming nag-simba. Pumunta rin kami sa supermarket para mag-grocery. Na-budget ko na ang pera ko at next week ay balak kong magbayad ng tuition fee ng dalawa.
Hapon nang makabalik kaming bahay. Papasok na sana akong bahay nang tawagin ako ng kapitbahay namin. Si Aling Venus. May hawak itong sobre.
“Theyn, dumating `to kanina kaso wala pa kayo kaya ipinasuyo na lang ng kartero,” mababa lang ang bakod na naghihiwalay sa apartment namin kay Aling Venus kaya madali niya itong naiabot sa akin.
“Salamat po, Aling Venus,” nakangiti kong sabi. Madalas ay siya naman talaga ang nakakakuha ng mga snailmail namin dahil laging walang tao sa bahay.
“Siya nga pala, kanina pag-alis niyo may tumigil na SUV sa harap ng gate niyo. Medyo maedad na rin `yong lalaki tapos madami siyang kasamang lalaki na naka-itim. May iniwan siyang halaman sa labas ng gate niyo. Nakita mo ba?”
Agad na napakunot-noo ako sa narinig. Wala akong kilalang ganoong klaseng lalaki.
Agad akong lumabas sa gate. Sa gilid, kung saan may upuan na gawa sa semento ay may nakapatong na paso. Lumakas ang t***k ng puso ko.
Kilalang-kilala ko ang halaman na iyon. Ang halamang rosas ni Mama na kahit kailan ay hindi namulaklak dahil laging binubuhusan ni Papa ng kaniyang alak.
Sa gilid ng halaman ay may naka-ipit na papel. Nanginginig ang mga kamay na kinuha koi yon. Mabilis ko iyong binuksan. Halos takasan ako ng hininga nang makumpirma ang hinala ko.
Theyn,
Anak, nagagalak akong mahanap ko kayo. Puwede na muli tayong mag-sama-sama ng mga kapatid mo. Sana mapatawad niyo ang Papa.
Sana sa susunod ay maabutan ko na kayo. Sabik na sabik na akong mayakap kayong mga anak ko.
Papa
Wala sa sariling nakumus ko ang papel. Narinig ko ang boses ni Aling Venus pero hindi ko ito pinansin. Sinarahan ko ang gate bago pumasok sa loob ng bahay.
Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ito totoo. Paano niya kami nahanap? Naging maingat ako. Ginagamit naming magkakapatid ang middle name ni Mama noong dalaga pa siya. Hindi ako gagasto ng malaking halaga sa Recto para lang mahanap niya kami.
Apat na taon kaming nakapagtago sa pang-aabuso niya.
“Ate, okay ka lang?” rinig kong sabi ni Haris. Wala sa sariling tumango ako.
“M-magpahinga na muna kayo. H’wag kayong lalabas ng bahay ng hindi ko alam,” sabi ko bago pumasok sa kuwarto.
***
Naririnig ko ang malakas na iyak ni Haris at Mica. Pilit ko namang binubuksan ang pintuan ng silid nila Mama pero naka-lock ito.
Nakita kong tumakbo si Haris sa may pader ng silid na gawa lamang sa kahoy.
“Papa, tama na!” sumisigaw ni Haris habang umiiyak ito. Hinahampas niya ang pader pero mas malakas ang sigawan sa loob ng silid.
Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang hiyaw ni Mama. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko.
“Ilabas mo si Mica,” halos paanas kong sabi. Nilingon ako ni Haris, mugto ang mga mata.
“A-Ate…si Mama…”
“Ilabas mo si Mica. Ako na ang bahala kay Mama…” matigas kong sabi.
Sumunod si Haris. Hindi ko alam kung saan niya dinala si Mica. Ang mahalaga ay hindi masaksihan ng bunso namin ang nangyayari.
“Papa, buksan mo ang pinto!” malakas kong sabi.
Natigil sa loob. Ilang segundo pa ay bumukas ang pintuan. Tumambad sa akin si Papa na may hawak na manipis na kahoy. Pamilyar na ako sa bagay na iyon. Ilang beses ko na bang naramdaman ang kahoy na iyon sa katawan ko?
“H-hindi!” rinig kong sigaw ni Mama, nanghihina. “H’wag mo siyang pakikinggan, Theo!”
“Ako na lang…h’wag si Mama.” Pinatigas ko ang boses ko.
Hindi man ako tumingin ay ramdam ko ang pag-ngisi niya.
Lumakad siya papunta kay Mama na nakaluhod sa sahig. Hinila niya ito palabas na animo’y hayop. Nagtagis ang ngipin ko sa nasaksihan.
“Anak, h’wag…” pakiusap ni Mama habang nakahawak sa laylayan ng bestida ko.
Mabilis kong pinalis ang lumabas na luha sa mata ko nang makita ko ang mga namumulang guhit sa braso niya. Ang kaniyang namamagang mukha dahil sa sakit niya sa kidney ay parang puputok na. Hindi na ako sigurado kung dahil nga ba iyon sa sakit niya o sa p*******t ng demoyo kong ama.
Ako mismo ang nagtanggal ng kamay ni Mama sa damit ko bago ko sinara ang pinto.
Tumalikod ako sa pintuan at hinarap siya. Hawak niya ang kahoy.
“Dapa…”
***
Hinihingal na napabalikwas ako sa kama. Apat na taon na ang nangyari pero pakiramdam ko ay sariwang-sariwa pa rin ang lahat sa akin. Kahit anong gawin kong paglimot sa nakaraan, bumabalik pa rin ito. Hindi matakasan. Hindi maiwasan.
Bumangon ako sa kama. It’s quarter to five. Napag-desisyunan kong maligo. Gusto kong maging maaga sa opisina. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa namin mapagtataguan ang Papa.
Hinubad ko ang lahat ng suot ko sa C.R. Tumalikod ako sa salaaming tsaka ako lumingon dito.
Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa likod ko. Mapagtaguan man namin ang Papa, hindi nito mabubura ang markang iniwan nito sa amin—sa akin. Permamente na ang sugat kahit na ilang taon na itong naghilom. At hinding-hindi ko siya mapapatawad. Dahil hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako sa takot. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga kapatid ko.
Pinagtatakhan ako nina Haris at Mica nang ihatid ko sila sa school nila. Nagtaxi pa kami gayong alam nila kung gaano ko kaayaw sumasakay ro’n lalo na’t may budget lang ako para sa fare espense.
Maaga man akong pumasok sa opisina ay mas maaga pa rin ang boss ko. I had this sense of relief nang makita ko siya. Alam kong safe ako rito. As long as I am an employee of Manjon Enterprise, I’ll be safe.
“Miss Torres?” I heard him call me kaya agad akong pumasok sa opisina niya.
I brought with me my notepad and his schedules.
“Good morning, Sir,” bati ko. May mga pinipirmahan siyang papeles bago umangat ang tingin sa akin.
“May pupuntahan tayo mamayang alas onse, so remind me.” He said.
“Okay, Sir. Saan po tayo pupunta?” I asked habang nagsusulat sa notepad ko.
“My house.”
Napakunot-noo ako. Ano naman gagawin ko sa bahay niya na kasing tahimik ng sementeryo? Pero hindi naman ako isasama ng boss ko kung hindi work related, `di ba?
“Then I want you to clear my schedule on next week. We’re going to Batanes.”
Ilang beses akong napakurap. We? Isasama niya ako sa Batanes? Bakit? Business related ba uli? Pero kapag out of town business ay hindi naman niya ako sinasama, eh. Besides, hindi ako puwedeng umalis. Hindi ko puwedeng iwan ang mga kapatid ko lalo na’t alam na ni Papa kung saan kami nakatira.
“Why are you not jotting down? Are you even listening, Miss Torress?” he said with forehead creased.
Paano ba ako tatanggi ng hindi siya magagalit? Oh, good Lord.
“I-I’m sorry, Sir. I can’t go to Batanes with you,” I said almost holding my breath. Please, h’wag kang magalit, Sir.
“And why is that?” I can sense an irritation on his voice. Probably because for the first time, I am saying ‘No’ to him.
“M-may dalawa po akong kapatid na hindi ko puwedeng iwan, Sir. I’m sorry po…” nagyuko ako ng ulo.
“Then let’s bring them. The more the merrier…”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata para makita kung seryoso ba siya. Kahit kailan ay hindi pa nag-joke ang boss ko. Kung ganoon, baka ito ang first time.
“P-pero, Sir…”
“Ayaw mo?” tanong niya. Nagtaas siya ng kilay nang hindi agad ako makasagot.
“H-hindi naman po sa ganoon. Nakakahiya lang po kasi. Besides, nag-aaral pa po sila. Hindi sila puwedeng lumiban sa klase at—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo ang boss ko.
“I have many ways to persuade you to come with me, Miss Torres. It’s either you bring your siblings with us, or you’ll accompany me to their school and ask permission to their Principal. Your choice.”
Wala bang ibang choice? Parang wala namang pagpipilian kasi ang ending ay sasama pa rin kami ng kapatid ko sa kaniya.
“Sige po isasama ko mga kapatid ko…” mahina kong sabi.
“Good…” sabi niya at muling naupo.
I took a heavy sigh when I exit his office. Haay, Sir Kent. Why are you being like this?
***
Tahimik akong naka-upo sa passenger seat habang si Sir ay nagda-drive. Hindi traffic ang daan at wala man lang music kaya sobrang awkward ako. Nagpanggap akong nagtetext pero biglang na-off phone ko. Hindi ko pala na-charge kagabi.
Dumating kami sa mansion niya. Even though he lives alone, the surrounding looks neat. Maging sa loob ng bahay niya ay para bang araw-araw may naglilinis. Mabe he has a housekeeper pero hindi lang stay-in. Because there is no way in hell na malinis ang kapaligiran ng bahay niya without the help of anyone.
Or maybe he cleans his own house, Theyn!
Sir Kent…holding a softbroom and dustpan? I don’t think so.
“Can you cook?” tanong niya nang makapasok kami sa bahay niya.
“Slight po,…” sagot ko.
“Raid my kitchen. Cook whatever you like,” sabi niya tapos tinalukuran ako.
Huh? Did he really entrust to me his kitchen? Hindi ba siya natatakot na may masira ako?
No, Theyn. He’s just waiting for you to fail para magkaroon siya ng dahilan para sisantehin ka. Kaya kung ako sa`yo…umayos ka!
Napalunok naman ako. Maybe it’s time to show him my cooking skills. Para naman makita niya na hindi lang ako isang assistant material kundi isang wife material din.
I giggled with the thought. I will make sure na masarap ang lulutuin ko to the point na makakalimutan ni Sir ang pangalan niya.
Halos mapanganga ako nang makapasok ako sa kusina. Alam kong maganda ang bahay niya. Pero hindi ko alam na mas maganda itong kitchen niya. Ang interior nito ay iyong nakikita ko lang sa magazine at internet.
The kitchen is in island shape. At the middle is a top granite with an induction stove. The cupboard was a sliding frosted glass door and the drawers are black wood with carvings. Kumpleto rin sa appliances katabi lang ng built-in oven. Near the sink is a two giant fridge. Black and white. The white one is like an ordinary fridge pero ang kulay itim ay may LED panel with temperature indicator. I tried to slide my fingers on the screen at biglang may lumabas na dialogue box. It was asking for a passcode.
“It has security code to open! Can’t you see?!”
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Bigla-bigla na lang sumusulpot itong si Sir.
“S-sorry po,” sabi ko.
Medyo ignorante lang, gusto ko sanang idagdag pero yumuko na lang ako.
“Galawin mo ang lahat ng gamit dito. H’wag lang `yan! At pasukin mo na ang lahat ng silid dito h’wag lang ang sa pinakadulo! Naiintindihan mo?!”
“O-opo! Opo!” mabilis kong tugon. Napahawak na lang ako sa dulo ng damit ko. Nakakatakot talaga si Sir magalit.
Nakahinga ako ng maluwang nang muli siyang umalis.
Sa hanging cupboard ay kinuha ko ang pasta box at ilang ingredients. Binuksan ko rin ang white fridge and luckily, there’s a pre-sliced lean beef.
I will cook Pasta Beef Stoganoff. A recipe I’ve learned in a cooking TV show. Minsan ko na itong niluto para sa dalawa kong kapatid kaya confident akong mapapasarap ko siya.
I was already stir-frying the beef when I felt my forehead and nape is sweating like hell. May exhaust fan pero walang aircon sa loob. Nakabukas naman ang bintana pero hindi sapat ang hangin na pumapasok.
I took off my blazer at kinuha ko ang pantali ko at itinali ang buhok in a messy bun.
I continued combining all the ingredients while I was waiting for the pasta to cook which is already boiling.
“Are you do—”
Napailingon ako sa likod ko at hindi ko maintindihan kung bakit natigilan si Sir.
He was staring at my neck at nakita kong gumalaw-galaw ang adams apple niya at paulit-ulit na lumulunok.
“Sir? Okay lang po ba kayo?” untag ko sa kaniya. Para naman siyang natauhan kaya nangunot ang guwapo niyang mukha.
“Matagal pa ba `yan?” naiinip niyang sabi.
“Malapit na po,” sabi ko at pinatay ang stove.
He didn’t say anything at tinalikuran ako.
Matapos kong magluto at mag-plating ay hinanda ko na ang dining table. Naglagay ako ng dalawang plato, kutsara, tinidor, baso, pitsel at syempre `yong niluto ko.
Tinawag ko si Sir at sabay kaming naupo sa dining table. I was waiting for him to say something pero sinabihan niya lang akong kumain na.
Dahil gutom na rin naman ako ay hindi ko na siya hinintay at kumuha ako ng pasta.
Nakadalawang subo na ako nang mapansin kong hindi nagagalaw ni Sir ang pagkain. Tinititigan niya lang ito. Hindi niya kaya nagustuhan?
“Sir, hindi niyo po ba nagustuhan ang luto ko? Pasensya na po—”
“Just eat. Don’t mind me.” sabi niya tapos tiningnan ako. “Kumain ka lang.” patuloy niya.
Lihim lang akong napangiwi. He’s making me uncomfortable. Staring at me while I’m chewing my food. Hindi kaya binibilang niya ang bawat subo ko?