CHAPTER THREE
THE Crawford project was a success. Kaya nang mag-announce si Sir na may party daw later sa isang bar na pag-aari ni Sir Migo ay nagulat kami. Mukhang hindi naman ako makakapunta ro’n. Hindi talaga ako mahilig sa party, eh.
“Sumama ka na kasi, please?” wala namang iba ang nakikipagkulitan sa akin dito kundi si Brie.
“Hindi kasi ako mahilig sa party, eh,” sabi ko sa kaniya.
“Nakakatampo ka naman! Sige na kasi!” nakasimangot siya at naka-nguso. Napangiti tuloy ako sa hitsura niya.
“Wala akong susuotin,” sabi ko at lihim na nagdadasal na sana ay maniwala siya sa akin at tigilan na ako.
“Papahiramin kita! Basta sumama ka lang!” sabi niya dahilan para mapangiwi ako. Lahat `ata ng idadahilan ko kay Brie at may pambato siyang sulosyon.
“Sumama ka na kasi,” sabay kaming napalingon ni Brie sa nagsalita.
“Hi, Sir Migo,” sabi ni Brie na hindi maitago ang kilig.
Ngumiti siya kay Brie at saka tumingin sa akin. “Hindi mo ako sinipot kahapon. Naghintay pa naman ako sa cafeteria.”
Nagulat ako sa sinabi ni Sir Migo. Oo nga pala sinabihan niya ako kahapon na sabay kami mag-lunch. Pero busy ang lahat kahapon. Ni hindi ko nga inisip na seryoso siya sa sinabi niya.
“Pasensya na po, Sir Migo. Nawala lang kasi sa isip ko. Na-busy po kasi ako tapos—“
“Hindi `yon okay for me. And you have to pay me for waiting,”sabi niya dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kaniya.
“B-babayaran po kita, Sir,” hiyang-hiya kong sabi.
“I don’t like your money,” sabi niya at tumingin kay Brie na parang na-hypnotize sa mga pinagsasabi ni Sir. “I want you to attend the party later. That’s your payment,” seryoso niyang sabi.
“Pero…” I tried to say something pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
“No buts, Miss Torres. That is an order. Okay?” sabi niya `saka umalis.
Hindi agad ako nakapag-salita kahit na nga wala na si Sir Migo sa harap namin. Kaya nagulat na lang ako nang paghahampasin ni Brie ang braso ko.
“Bakit ba?! Ang sakit, ah!”
“Niyaya ka pala ni Sir Migo mag-lunch?! Bakit hindi mo sinasabi sa akin?! OMG! Chismiz `to!” parang nagha-hyperventillate niyang sabi.
“Hoy! Walang chismiz okay? `Saka lahat naman tayo nakasabay na ni Sir mag-lunch,`di ba?” mabilis kong sabi para maiwaksi kay Brie ang malisyang iniisip niya. Mahirap na baka malaman ng iba at mag-isip ng kakaiba sa akin.
“Oo nga. Pero never pa siyang nang-imbita ng empleyado para makasabay niyang kumain. Normally random siyang nakikisabay sa canteen.”
“Sasama na ako pero tigilan mo na ako sa issue na `yan,” sabi ko at biglang nagliwanag ang mukha niya at tuwang tuwang pumalahaw.
“Yes!”
“Basta pahiramin mo ako ng damit, ha?”
“Oo naman!”
***
“WALA ka na bang ibang damit na medyo tama ang tabas ng tela?” pagrereklamo ko kay Brie.
“Theyn, magpa-party tayo. Hindi magsisimba. Pero ikaw, kung gusto mo `yang floor length kong damit,” kibit balikat niyang sabi.
Tiningnan ko naman ang hawak kong damit. Ang OA naman. Hindi naman siya floor length, eh. Lagpas tuhod lang.
“Baka may iba pa,” sabi ko `saka tumingin ulit sa mga naka-hanger niyang damit. Wala talaga akong mapili.
“May isa pa akong damit. Pero nire-reserve ko `yon sa future date ko. Pero dahil `yang hitsura mo ay parang iiyak na sa mga damit ko, ipapahiram ko iyon sa`yo,” sabi niya.
Tumungo siya papunta sa isang drawer at kinuha ang damit na sinasabi niya. Nakalagay pa ito sa paperbag at may pricetag pa. Titingnan ko sana ang presyo pero mabilis niya itong tinanggal.
Nilabas niya ang damit sa bag at binigay sa akin. Matagal na ba `tong nabili ni Brie? Para kasing kabibili lang, eh. Halata sa amoy.
“Nasuot mo na ba `to?”
“Duh?! May pricetag pa nga,`di ba?” irap niya. Tsk. Sabi ko nga hindi pa.
“Isuot mo na nang malagyan na kita ng make up,” excited niyang sabi.
Hinubad ko naman ang damit ko saka sinuot ang dress na pinahiram sa akin ni Brie. In all fairness, kasyang-kasya sa akin ang dress. Hindi kasi kami magkasing-katawan ni Brie. Mas malaki ang balakang niya at mas makurba ang katawan, plus the big booby. Samantalang ako, tinipid lang. I have a small body frame. Petite but not curvy. But I’m not complaining. I love my body. Nakapag-tataka lang kasi na bibilhin ito ni Brie na hindi naman kasya sa kaniya.
“Kasya ba `to sa`yo, Brie? Kasi tama lang sa akin, eh,” sabi ko hanggang masara ko ang zipper.
“H-ha? No’ng binili ko kasi `yan medyo slim pa ako,” nag-iba siya ng tingin saka sinuri ulit ang mukha sa salamin.
Pinaupo niya ako sa harap ng tukador `saka ako inayusan. Itinali niya buhok ko at nag-iwan ng kaunting bangs sa harap. Masaya akong light make-up lang ang nilagay niya sa mukha ko. Pinahiram niya rin ako ng sapatos at clutch bag.
Nang matapos niya akong ayusan ay tumayo ako at tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin.
Lihim akong napangiti nang magustuhan ko ang ayos ko. Ang ganda ko. Pakiramdam ko ay si Cinderella ko na pina-ganda ng kaniyang fairy-godmother.
“Ready?” Brie asked. Huminga muna ako ng malalim bago tumango.
“Ready,” nakangiti kong sagot.
***
I tried to hide my amazement when we entered inside the bar. Everyone I know in the office was there and they’re all having fun. Sana mag-enjoy din ako.
Iginala ko ang tingin ko at nagulat ako nang makita si Brie sa gitna ng dance floor nakikipagsayawan na sa mga kasamahan namin.
Nag-ikot-ikot ako sandali at nakipag-kuwentuhan din kay Florence at Jean na panay ang kulit sa akin kung saan ko nabili ang damit ko.
“Sure talaga akong `yan `yong nakita kong naka-display no’ng isang araw sa isang mamahalin na boutique,” sabi ni Jean.
Gusto ko sanang sabihin na pinahiram lang `to sa akin ni Brie kaso naalala kong sinabi niya kanina na h’wag kong ipagsasabi na pinahiram niya ako ng damit dahil mapapahiya ako at baka pagtawanan.
“Oo nga girl, naalala ko `yon,” segunda ni Florence. “Ang mahal mahal noon, eh.”
Nginitian ko na lang sila. Hindi ko naman alam kung saan `to binili ni Brie, eh. Pero sabi niya matagal na `to sa kaniya kaya nga hindi na kasya sa kaniya.
Naiwan ako sa table namin nang yayain ng dalawang lalaki na katrabaho namin na mag-saway sina Jean at Florence. Nag-ikot na lang ulit ako at hinanap ang buffet table dahil nagugutom na rin naman ako.
Kumuha ako ng plate saka nagsalin ng food sa plato ko. Pumunta ako sa may bar counter at naupo sa high stool. Lahat sila nag-iinuman at ako lang ang kumakain.
“Want some drink, Ma’am?” ani ng bartender.
“Hindi ako umiinom,” I answered beaming.
“Ladies drink lang po. No alcohol,” paninigurado niya.
“Orange juice. Okay lang ba?” sabi ko. Natawa naman ang bartender `saka tumango.
“Orange juice, coming right up.”
Lamon lang ako nang lamon nang maramdaman kong may umupo sa kabilang stool. When I looked up, it was Sir Migo with his dazzling look. Lakas talaga ng appeal ng lalaking `to.
“Dirty Martini please,” sabi niya sa bartender tapos tumingin sa akin. “Hi, Theyn. Enjoying yourself?”
“I’m enjoying the food, Sir, thank you,” nakangiti kong sagot.
Kapag kausap ko si Sir Migo, kahit malungkot ako, o stress, bigla na lang akong napapangiti. There’s something about his presence that made the atmosphere relaxing.
“Aish! Nasa labas tayo ng opisina kaya h’wag mo akong nise-Sir. Migo na lang,” sabi niya at napangiwi naman ako dahilan para tumawa siya. Nakakahiya naman `atang tawagin ko siyang Migo lang, `di ba? Baka may makarinig pa.
“Sir Migo,” I insist. I heard him chuckled at parang amused na amused pa siya sa akin.
“Nakakatuwa ka talaga, Theyn. I really like you for that.” Sabi niya dahilan para pamulahan ako.
Nag-uusap lang kami ni Sir—actually he did all the talking. Tumatango lang ako at nakikitawa kapag tumatawa rin siya. Bakit ba kasi kinakausap ako lagi nito? Madami naman diyang ibang emplayado na gusto siyang maka-kuwentuhan. Hindi kasi talaga ako magaling makipag-converse sa opposite s*x. I am always awkward. Kaya nga NBSB, eh.
“Pare! Tara sa taas!” tawag ng isang lalaki kay Sir Migo. Napatingin naman sa akin si Sir na parang humihingi ng permiso.
“Okay lang, Sir. Hahanapin ko rin naman si Brie, eh,” nakangiti kong sabi.
“I’ll be back. Madali lang ako. And don’t accept drinks from anyone. It could be spiked.” Inubos muna niya ang inumin niya sa baso `saka tuluyang umalis
I was left alone habang pinagmamasdan ang ilaw na mag-iba-iba ng kulay. Saan kaya si Sir Kent ngayon? Hindi ko pa siya nakikita.
Bumalik ako sa table namin nina Brie at naabutan ko sila na nag-iinuman kasama sina Florence at Jean.
Napaangat naman ng tingin si Jean at agad akong tinawag.
“Uy, Theyn! Saan ka ba nagsusuot?” tanong ni Jean.
“Kumain lang,” sabi ko at tinuro ang buffet table.
Pinilit nila akong uminom pero hindi ako pumayag. Hindi talaga ako umiinom, eh. Kahit sabihin na kailangan ng kaunting alcohol sa katawan—still hindi ako mako-convince sa ganiyan.
“Ang KJ mo talaga!” inismiran ako ni Brie.
“Iinom na `yan!” pamimilit ni Florence.
“Sige na kahit isang shot lang!” pinakita ni Jean ang isang shot glass.
“Hindi ka naman nito malalasing,eh,” dagdag pa ni Florence.
“H’wag na kasing KJ!” Brie whined. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nasabihan ni Brie ng KJ simula pa kaninang pumipili ako ng damit niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Pinahawak sa akin ni Florence ang shot glass `saka sinalinan naman ni Jean ng Tiquilla.
Nasa harap ko na ang baso. Napapalunok na lang ako. Amoy pa lang parang hindi ko na kaya. Nakakaduwal.
Malapit na sa labi ko ang baso at tinakpan ko ang ilong ko gamit ang kamay. Isa lang Theyn. Hindi naman `yan nakakamatay!
Handa na akong lunukin ang laman ng shot glass nang maramdaman kong parang may lumipad sa kung saan. Hala! Nasa’n na ang baso?
“Miss Torres is not allowed to drink alcoholic beverages.”
Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang baritonong boses ng boss ko.
“A-ah… M-mr…Mr. Manjon—” nauutal at sabay-sabay na wika ng tatlo. Lahat sila ay namumutla. Maging ako ay kinakabahan.
“You have to report early in the morning and drinking alcohol won’t help you wake-up early,” seryosong sabi niya.
“A-ah…ano po, Sir. Kasi…” napalunok ako nang mas lalong tumalas ang mga mata niya. Sina Brie naman ay parang anytime ay aatekehin sa puso sa sobrang takot sa boss namin.
“Follow me, Miss Torres,” sabi ni Sir bago tumalikod.
Narinig ko ang buntong-hininga ng tatlo nang makaalis ang boss namin. Maging ako ay kanina pa nahigit ang paghinga. Akala ko ay pagagalitan na naman ako.
“`Di ba, pinapasunod ka, Girl? Bilis na at baka bumalik pa `yon dito,” sabi pa ni Brie at kulang na lang ay paalisin ako sa table.
Pinagtutulakan nila akong tatlo pasunod kay Sir. Ang bubuti talaga nilang kaibigan. Sa totoo lang.
Sumunod ako kay Sir paakyat sa second floor ng bar. Hindi naman ako nahirapan na sundan siya kasi nagbibigay ng daan ang mga madadaanan niya. Besides, spotted lagi ang built ng katawan niya. Laging angat sa lahat.
Umupo si Sir sa isang couch na may mesa sa gitna. Tumayo lang ako sa harap ng table nang itinuro niya ang kaharap ng couch.
“Sitdown,” he commanded. Walang imik na sumunod ako at nakayukong umupo.
May naka-serve na sa gitna ng mesa na inumin. Papainumin ba ako ni Sir? Pero,`di ba, siya na mismo ang nagsabing bawal akong uminom?
Kinuha ni Sir ang isang brandy glass at isinalin ang laman nito sa baso. Napuno ng kulay pulang likido ang baso. Para siyang dugo. May ganiyan palang inumin. Ngayon talagang panahon kung ano-ano na lang ineembento ng mga tao.
Nilunok `to ni Sir habang nakatingin lamang sa akin. Para naman akong na-hypnotize sa mga titig niya. Ibinaba niya ang baso sa mesa. May konti pang mantsa ng inumin sa gilid ng bibig ni Sir kaya nagmukha siyang bampira. Gusto ko tuloy kiligin. Mahilig din kasi ako magbasa ng mga libro tungkol sa bampira.
Nahalata `ata ni Sir na nakatitig ako sa gilid ng labi niya kaya dahan-dahan niya itong pinunasan.
Curious talaga ako kung bakit ganito ang personality ni Sir. Kasi guwapo talaga siya, eh. Bihira ko lamang siya makita magpakita ng emosyon. Mostly, his dark brown eyes says it all kapag galit siya.
“Done staring at me?” he smirked. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
“B-bakit niyo po ba ako pinasunod sa inyo?” I asked, almost whispering.
“Wala akong kasama. You’re my secretary so trabaho mo ang samahan ako,” sabi niya dahilan para makaramdam ako ng inis. Gusto niya pa akong idamay sa pagiging loner niya?
“Eh, `di ba po, sanay naman kayo? Hobby niyo na nga, eh,” sabi ko at pilit na itinatago ang inis.
Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko.
Ano ba, Theyn! Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?
Nakita kong naningkit ang mga mata niya. Lagot.
“Talking back, huh?” he said then immediately refilled his brandy glass. “I like that.”