To Forever

3813 Words
Chapter Seventeen To Forever       (Lex’s POV)                   Nagising ako sa ingay ng pagbubukas ng pintuan namin. Hindi sana ako babangon no’n pero naalala kong ten Am ang schedule ng kasal namin ni Bryce kaya’t agad akong napadilat ng mata. Nang tignan ko ang katabi ko, himbing pa rin siya sa pagtulog at mahigpit na nakayakap sa akin. Napangiti lang ako.               This is our wedding day. Ang araw na matagal na naming hinintay. Yung araw na dapat matagal nang dumating pero pinilit kong iwasan at pinilit ng iba na ipagkait sa amin. It was my fault in the first place kung bakit nagkaganito si Bryce. Kung bakit nawalan siya ng confidence sa sarili niya. Kung bakit may abandonment issues na siya.               It was my fault because I left. At oras na para itama ang pagkakamaling iyon by doing the very thing na noon ko pa dapat ginawa.                    “Ate?” tawag ng isang pamilyar na boses na nakatawag ng atensyon ko.               Napatingin ako sa pintuan. Nakasilip si Sheena doon. “Anong oras na?” agad kong tanong sa kanya.                    “Six thirty,” pabulong niyang sagot. “Nasa sala na sina Bless at Nina. Ano nang gagawin ko?”                    “Ako nang bahala. Gigisingin ko lang si Bryce.”               Tumango lang si Sheena bago tuluyang isarado ang pintuan. Binalingan ko ng atensyon si Bryce. Tulog pa rin siya. Marahan kong dinampian ng halik ang dulo ng ilong niya. He tilted his face up na parang awtomatikong hinahanap ang paghalik ko sa kanya.                    “Bryce? Wake up, baby B. It’s our wedding day.”               Agad na nagdilat ang mga mata niya. “W-What?”               Asus. Nabanggit lang ang kasal gising na kaagad? “Sabi ko kasal na natin ngayon. Tumayo ka na d’yan, maghahanda pa tayo.” Nakangiti kong sabi saka muling nagdampi ng halik sa labi niya.                    “I feel sick,” maya-maya’y daing niya nang umayos siya ng upo. “Ano bang nangyari kagabi? Para akong sinagasaan ng ten wheeler truck sa sobrang sakit ng ulo ko. Gaano ba karami ang nainom ko?”               Dalawang bote lang naman ng brandy. “Hindi ko alam, eh. Basta lasing kang pumasok ng kwarto kagabi pagkatapos agad na nakatulog.”               Hinihilot-hilot niya ang sentido niya. Habang kinokondisyon niya ang sarili niya ay bumangon ako mula sa kama at tumayo. “Baby, I have a gift for you.”               Nag-angat siya ng tingin na nakakunot-noo. “Gift?”               Ngiting tumango ako bago maglahad ng palad sa kanya. “Sa sala. May gift ako.”                    “Pero, babe, wala akong gift sa’yo. Hindi ko naman kasi alam na—”               Pinigil ko ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng paghalik kasabay ng paghatak ko sa kanya patayo mula sa kama. Ang problema lang, nakalimutan kong may sakit ‘tong si Bryce na hindi marunong bumitaw ng kusa kapag humahalik. Kaya’t kinailangan ko pang hawakan ang mukha niya at ihiwalay ang kapit-tuko niyang bibig sa bibig ko.                    “Baaaabeee!” angal niyang bahagyang nakanguso sa inis.                    “Mamaya na, may honeymoon pa naman tayo, h’wag kang atat. I have to show you something, Bryce. This is serious.”               Sumeryoso ang mukha niya. Ilang saglit pa ay kumunot ang noo at walang imik na nagbihis ng pang-itaas na damit. Matapos niyon ay lumapit siyang muli sa akin, hinalikan ng may katagalan ang noo ko bago ako tignan. “I love you, Lex. Hindi mo na kailangan pang magbigay ng regalo. Sobra-sobrang regalo na ang pagbabalik mo sa’kin. It’s all that I need. You’re everything that I need.”               Natunaw ang puso ko sa sinabi niya. I know how he feels. Dahil kahit ako gano’n din ang nararamdaman. Walang isang araw sa tatlong taon na hindi ko siya naiisip. Pinilit kong isantabi siya dahil may mga obligasyon rin naman ako kina Nina at Bless na dapat kong gampanan. But at the end of it all, when the sun sets and I find myself alone in that huge bedroom, si Bryce lang din ang nasa isipan ko.               Iniisip ko kung ano nang ginagawa niya. Sa bawat araw, hindi pwedeng hindi sumagi sa isipan ko kung may nahanap na ba siyang iba na ipapalit niya sa akin. Kung sa paglipas ba ng panahon, may babalikan pa kaya ako?               Kahit noong mga panahong pinilit kong h’wag siyang mahalin, minamahal ko pa rin siya. Gano’n yata kasi kapag nagmamahal ka. When you love once, when it is the right person, no matter how wrong the time is, you will love him forever.               Because once upon a time I loved Bryce… and I still love him and I will always love him forever.                    “That’s where you’re wrong, baby,” nakangiti kong sagot at pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. “because you need two more people in your life.”               Kumunot ulit ang noo niya at magsasalita sana nang hilahin ko siya palabas ng kwarto. Agad na bumungad sa aming dalawa ang kambal na inosenteng pinaglalaruan ang throw pillows sa sofa. Naramdaman ko ang panginginig ni Bryce sa tabi ko the moment he realized what’s going on. Nanghina ang kapit niya sa kamay ko pagkatapos ay tumingin siya sa akin na bakas na bakas ang takot at pangamba sa reaksyon.                    “P-Pero, L-Lex…”                    “Sa London ko na nalamang buntis ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo dahil alam kong mahihirapan ka kapag nalaman mo. Hindi ka pa handa no’n, Bryce, hindi ko gustong—”                      “Y-You didn’t even gave me a chance to decide whether I’m ready or not!” he croaked, his eyes filled with unshed tears and I just wanted to die a thousand deaths right at the moment.               Bumagsak ang mga pinipigilan kong luha nang biglang tila manghina ang mga tuhod niya at bumagsak sa sahig. Nakakuyom ang mga kamay niya at nakatingin lang sa mga bata hanggang sa hindi na niya namalayang tumutulo ang luha niya isa-isa.               Hindi ko siya nakayang tiisin. Alam kong galit siya sa akin pero lahat ng galit na iyon ay bigla na lamang nawala nang lumuhod ako sa tabi niya at yakapin siya na parang batang kailangan ng magco-comfort sa kanya. He held onto me like I am his lifeline. His quiet sobs broke my heart at maging ako ay nagtakip rin ng bibig para mapigilang iparinig sa mga bata ang pag-iyak ko.               Napaka-selfish ko pala talaga. Gusto kong sisihin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Ang gusto ko lang naman noon ay maging fair sa kanya. Bata pa kami ni Bryce noon. He’s got a lot of wonderful things ahead of him. Magiging CEO siya ng Soriano Empire, magtatapos ng pag-aaral at magiging isa sa mga most successful Emerald Bachelors. Ayokong maging pasanin niya ang pagbubuntis ko kahit alam kong responsibilidad niya iyon.               I acted based on the situation, not on impulse. Hindi ko ipinagkait sa kanya ang mga anak namin. Alam ng Diyos ‘yon. Ayoko lang na masira ang buhay niya nang dahil sa sobrang pagmamahal sa akin.               But ironically, iyon pa rin ang nangyari.                    “Dadaaaa! Dada!”               Pareho kaming natigilan nang sumigaw si Bless at nagpumilit tumayo. Sinundan siya ni Nina na gumapang naman papunta sa direksyon namin. Bless surrendered nang makita niyang nauunahan na siya ni Nina at nagsimula ring gumapang. At nang marating nila si Bryce ay agad silang yumakap dito na parang kilalang-kilala nila ang Daddy nila.               Bryce hugged them both as he alternatingly buried his face into their necks. Parang may dumukot sa puso ko at kinurot-kurot iyon sa sobrang sakit habang pinapanood ko siyang ulanin ng yakap at halik ang kambal.                    “H-How…” basag ang tinig na sinubukan niyang magsalita. Lumunok siya at dinampian ng halik ang noo ni Nina saka sumubok muling magtanong. “How old are they? Their names? I want to know so much about them, Lex, please.”                    “Two years old, they’re two years old. They’re born on August 5th, Bless is older by two minutes. Premature babies sila pero healthy at walang naging komplikasyon. Si Bless ang nagmana sa mata mo habang si Nina naman ang nagdala nung akin. Sa mata mo lang sila pwedeng i-differentiate. They look so much alike they can pass as mirrors kung hindi lang sila magkaibang-magkaiba ng ugali.”               Tahimik na hinaplos ni Bryce ang pisngi nina Bless at Nina. At para bang naghihintay lang ng cue si Nina, she blurted giggly “Dadaaaa!”               Muli, tumulo ang luha ni Bryce habang tuwang-tuwa na niyakap si Nina. “Yes, sweetie, I’m your Dad. Hear that? Ako ang Daddy n’yo.”                    “Dadaaa!” muling ulit ni Bless sa isinigaw ni Nina na nagpatawa kay Bryce.                    “God, Lex. What wonderful children we made. Do you see? This is what we made out of love, Lex. This is our love in the flesh.”               Hindi ko na kinaya. Tumalikod ako’t tinakpan ang mukha ko. Hindi ko alam kung saang parte ako ng bahay napunta ngunit nang makasigurong wala na ako sa paningin nina Bryce, I wept.               I wept for Bryce. I wept for his pain, for everything that he missed. Ngayon ko lang talaga nakikita’t nare-realize.               Ang dami kong bagay na ipinagkait sa kanya at kinuha. How can I hurt the one person I love so much?       (Bryce’s POV)                        “Tol, naiirita na talaga ako sa’yo. Pumirmi ka nga! Para kang hindi maanak na pusa d’yan, eh.”               Napalunok ako. For the nth time, ginusot kong muli ang buhok ko sa sobrang frustration na umani ng buntong hininga mula kay Jelo. “Bryce, ang sakit mo na talaga sa mata. Darating ‘yun! Ano ka ba naman? Sarili niyang kasal i-indyanin niya?”                    “Eh paano kung hindi siya dumating? Paano kung nagbago ang isip niya?”               Kung bakit ko ba naman kasi siya nasigawan, eh. Nabigla ako. Nakaramdam ng galit, oo. Pero hindi naman kay Lex. Never against Lexine. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako dahil pinili kong iwanan siya at sumuko na lang dahil natakot akong kamuhian niya ako kapag naghirap ang buhay naming pareho. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko nasubaybayan ang pagbubuntis ni Lex at ang paglaki ng sarili kong mga anak sa halip ay ginugol ko lang ang buong panahon ko sa pagsira ng wasak ko nang buhay.               Natakot akong pahirapan si Lex kapag itinakwil ako ng mga magulang ko dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya kaya pinili kong itulak siya palayo. Pero nung nasa London siya, walang kasama at ipinagbubuntis ang kambal namin, nahirapan siya no’n. Alam kong nahirapan siya no’n. Sa kabila no’n, kahit na minsan hindi siya nagparamdam, hindi siya humingi ng tulong sa’kin.               And that hurts me. Hurts me so much.               Ako dapat yung nando’n. Ako dapat ang karamay niya at katabi niya sa bawat oras. Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko gagawin lahat ng ginawa ko tatlong taon na ang nakakaraan. I’ll take the risk of being disowned. Hell, if I can take back the past twenty years I’ll take the risk of eloping with Lex and Bryan just to be with her all the time.               Siguro ang tagal na naming magkasama. Siguro ipnagdiriwang na namin ang eighth wedding anniversary namin. Siguro hindi ako nakatayo dito at hindi mapakali dahil natatakot akong hindi siya dumating sa kasal namin.               Kung sana nakausap ko lang siya bago siya dinala nina Ana sa kabilang cottage para ayusan. Naaliw ako sa mga bata, hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala siya sa tabi ko.               God, I’m such an idiot.                    “You look like hell,” dinig kong puna ng isang pamilyar na boses.               Nag-angat ako ng tingin at bumungad si Xander sa harapan ko. I sighed. “Thanks, I feel like hell, too.”                    “Darating ‘yon.”                    “And you’ll know because?”               Nagkibit siya ng balikat. “I just do. For once in your life, trust me. Alam ko kung anong pakiramdam.”               Kinunutan ko siya ng noo. Alam niya kung anong pakiramdam? Eh ni hindi nga siya naghirap ng ganito dahil arranged marriage din naman ang pinasukan nila ni Ana. In fact, I remember three years ago, siya pa nga ang nagpapahirap kay Munchkin. “How the hell you know what I feel is beyond me. Hindi ka naman naghintay kay Ana sa altar ng ganito katagal, eh. At hindi ka natakot ng ganito na baka hindi ka niya siputin.”                    “Tama ka. Hindi nga. But I’ve been through much worst. Hindi ako naghintay sa altar, pero naghintay ako sa pagmamahal niya. Hindi mo kailangang gawin ‘yon kay Lex, Soriano. Mahal ka na nu’n. Ang tanong lang ay kung naniniwala kang mahal ka niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya.”               Natigilan ako at napatitig ng matagal kay Xander as I began to realize what he’s trying to say.               Mahal ko si Lexine. Kahit na sino ay walang kakayahang kwestyunin iyon sa sobrang linaw ng pagmamahal ko sa kanya. But did I ever believed her love for me? Iniwan niya ako. Ilang beses niya akong iniwan at pinabayaan. Ilang beses niya akong sinaktan. Pinaasa.               Ngunit nang mapatingin ako sa direksyon ng mga anak ko na maligayang inaaliw ni Sheena, naiintindihan ko na. She did it all out of love. Noong akala niya’y maiipit ako sa desisyon ng mga magulang ko na ipakasal ako sa kanya, umalis siya dahil ayaw niyang makitang ang ibang tao ang mag-desisyon para sa akin. Noong akala niya’y si Ana ang mahal ko, lumayo siya’t pilit akong ipinagtutulakan sa best friend ko dahil sobra niya akong mahal at gusto niyang makita akong maging masaya. At noong akala niya’y hindi pa ako handang panindigan siya, umalis siya dahil gusto niya akong pabayaang mabuhay ng malaya. Ng walang responsibilidad, walang problema.               Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil mahal niya ako. Dahil iniisip niya ang kapakanan ko. Dahil ang gusto niya maging masaya ako.               Naiintindihan ko na ngayon. Mahal ako ni Lex. Mahal niya rin ako.               And as if on cue, nagsimulang tumugtog ang wedding march. Pinakawalan ko ang hiningang hindi ko namalayang pinipigil ko pala sa sobrang tensyon. Ngumiti sa akin si Xander ng matipid bago bumalik sa kanyang pwesto.               Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko habang paunti-unting nauubos ang entourage. When I saw Sheena went next, parang biglang huminto ang pagtibok niyon. Buong mundo tumigil sa paggalaw. Everything didn’t exist. They didn’t matter anymore.               Only Lex. Only her.               Huminto ang oras habang pinapanood ko siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Saka ko lang na-realize na humakbang ako para salubungin siya nang pasimpleng pinigilan ni Jc ang balikat ko. God. Parang may magnet na humihila sa akin para salubungin siya. I’m so smitten na hind ko na nga namamalayan ang ginagawa ko.               At nakita ng lahat ng naroon kung gaano ako kabaliw kay Lex nang bigla ko siyang yakapin pagsapit niya sa harapan ko. “I’m so sorry, baby. I’m so sorry. Hindi ko naman sinasadyang sumigaw, eh. Hindi ko sinasadya. Hindi ako galit sa’yo.”                    “Bryce? Bryce, okay lang ‘yon,” nakangiti siya nang mag-angat ako ng paningin. God, she’s so beautiful it aches to look at her. “Halika na. Magpakasal na tayo?”               I nodded. Tinawid namin ang ilang hakbang mula sa altar at hinarap ang pari. Ngumiti siya sa amin at pagkatapos ay tumingin naman sa mga tao. “The bride and the groom will now speak their own vows.”               Lumunok ako. Lex is looking at me like I make the whole world stop. Gusto kong umiyak. Lord, she loves me. She loves me!                    “Bryce…” muli akong napalunok nang nakangiti niyang kinuha ang kamay ko. Tumingin siya sa mga mata ko. My heart clenched when I saw her love for me shimmering through her eyes. “Bryce, ang dami kong ginawang mali. Ang dami kong mga bagay na sinabi. Pero kahit isa sa mga salitang iyon, wala akong nasabing tama.                    “Twenty years ago, noong pitong taong gulang pa lang ako, mahal na kita. Ikaw ang nagbibigay lakas sa akin para magpatuloy na mahalin ang mga taong hindi naman ako mahal. Ikaw ang nagpapasaya sa akin, ikaw ang dahilan kung bakit ako nanatili sa isang lugar na gustong-gusto ko nang takasan. Pero hindi ko sinabi ang mga iyon dati. Sa halip, iniwanan kita. Dahil akala ko no’n malalaman mo kung gaano kita kamahal kapag na-realize mong pinakawalan kita para sa sarili mong kapakanan. Na mahal kita ng sobra kaya ayokong masakal ka.”                A lone tear escaped from her eyes. Ramdam ko rin ang pag-init ng mga mata ko. Parang may dumudukot ng puso ko mula sa dibdib ko. I wanted to weep like a baby. I was only able to held it back when I felt her hand squeezed mine.                    “Nagkamali ako, Bryce. Three years ago, kuntento na akong magmahal mula sa malayo. Kuntento na akong makita kung gaano kalayo ang narating mo. Nagkunwari ako na walang pakialam, na kahit kailan hindi na kita kayang abutin. Noong akala kong nagmahal ka ng iba, pinilit ko ang sarili kong gawin ang lahat para mapunta ka sa kanya dahil ang gusto ko maging masaya ka.”               Mariin akong napapikit nang makita ko ang pagtulo ng mga luha niya kasabay ng paghawak niya sa magkabilang pisngi ko. Ibinaling ko ang mukha ko para mahalikan ang palad niya. Ngumiti siya sa akin nang magmulat ako ng mga mata. Natunaw ako. My heart felt like it wanted to jump out of my ribcage.                    “Nagkamali ako doon, Bryce. I said a lot of things. But none of what I said are the right ones.” Kinuha niya ang singsing at hinawakan ang kamay ko. “I should’ve said I love you. I should’ve said how much you mean to me. I didn’t before. But I’m saying it now.”               Napigil ko ang hininga ko nang tumingin siya sa akin habang isinusuot ang singsing. Naramdaman ko ang pagtulo ng sarili kong luha bago pa man siya magsalita. “I’m saying I love you. I’m saying that you mean the world to me, Bryce. I’m saying I do. I’m saying that I will spend my whole life loving you, taking care of you, kissing all your pain away, embracing you and cherishing you. I’m saying I do to you, Bryce, in front of these people, in front of God. Because I love you. Because I’ve always loved you.”               Nakatawang pinahid ko ang luha niya at ang luha ko bago kunin ang isa pang singsing kasabay ng paghawak ko sa kamay niya. “Lexine… I love you, baby.” Natawa ako sa sobrang cliche ng bungad ko. “Alam kong lahat sila alam ‘yon. Alam kong alam mo na ‘yon. Pero hinding-hindi ako magsasawang sabihin ‘yon.                    “Noong mga bata pa tayo, pinangarap ko na ‘to. Lagi kong sinasabi sa Daddy na paglaki ko mas hihigitan ko pa ang pagmamahal na meron siya kay Mommy dahil mas mamahalin kita ng higit-higit pa doon. Naalala ko dati, minamarkahan ko ang kalendaryo kapag dumadating ang birthday ko. Alam mo ba kung bakit?”               She gave me a wavering smile na parang gusto niya ulit umiyak. “Bakit?”                    “Kasi gusto ko nang tumanda agad para mapakasalan na kita. Ang tagal kong pinangarap ‘to, Lex. Kahit nu’ng iniwan mo ako, hindi ako tumigil. Kahit pinipilit kong palitan ka hindi ko magawa. A lot of times I said ‘I love you’ to different women. Twice I even thought I really did fell in love with them. Pero hindi, eh. I panicked when I thought I lost those love because it felt like I’m losing the only thing that distracts me from loving you so much.                    “I tried telling myself you’re history, that I don’t love you anymore, that I don’t care about you anymore. It took me two years to stop the urge of following you like a dog five years ago nang makita kita sa 7-Eleven. Pagkatapos three years ago nang makita ulit kita sa Ashton, hindi ko na kinaya, Lex. I said things that I will forever regret. Things that drove you away from me. But I want you to know that everything I said was said with the intention of showing you how much I love you.”               Isinuot ko sa daliri niya ang singsing bago ko halikan ang kamay niya. Naririnig ko siyang sumisinghot. Napangiti ako sa tuwa. “We’re wiping the slate clean today, Lex. I’ll never say ‘I love you’ to anyone but you ever again. I pledge my love to you, Lexine. I surrender my heart, my life, my soul and my body. In front of these people, in front of God, I say I do to you like I’ve always did for all of my life. I commit myself to you and I am yours to care for as I will care for you. I am yours to cherish as I will cherish you. I am yours to protect as I will protect you. I am yours to love as I will love you always and forever. I’m saying I do because I love you. I always love you.”               Nang yakapin niya ako, alam ko nang heto na ang pagtatapos ng lahat ng mga paghihirap namin ni Lex. At mula dito, magsisimula ang panibago naming buhay. Isang buhay na puno ng tuwa, ng pagmamahal. Isang pamilyang busog sa pag-aalaga at ligaya. Hinding-hindi makikita nina Bless at Nina na umiiyak ang Mommy nila.               Sa halip, makikita nila kung paano ko aalagaan si Lex. Kung paano ko siya mamahalin. Kung paano ko sila po-protektahan ng higit pa sa sarili kong buhay at pasasayahin sa bawat araw na ibibigay sa amin ng Diyos.               Because when she said ‘I do’…                    “I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride.”               …she sealed our forever.       END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD