Tahimik ang gabi sa isla. Ang tunog ng alon at mahihinang huni ng kuliglig ang tanging musika sa paligid. Sa loob ng safehouse, tahimik ding natutulog si Loveleen, habang si Hades ay nakaupo sa harap ng kanyang encrypted satellite phone sa underground war room. “Hindi pa tapos ang laban. Ang susunod na madadamay… ay kapatid niya.” Paulit-ulit na umuukit sa utak niya ang banta. Nakakunot ang noo niya habang hawak ang hawakan ng baril, nakaabang sa susunod na kilos ng kalaban. “Kapatid? What sibling?” bulong niya sa sarili. Wala siyang alam na may kapatid si Loveleen. At kung totoo man 'yon, bakit kailanman hindi ito nabanggit? Bumalik siya sa kwarto ni Loveleen. Tahimik pa rin ito, malalim ang tulog, pero kita sa mukha ang pagod at bigat ng mga nangyari. Dumapo ang mga mata niya sa nak

