THIRD PERSON POV Hapon na nang dumating sina Tintin at Jude sa bahay ni Tintin. Galing sila sa eskwela, bitbit ang mga notebook, assignment, at kung anu-anong papel na hindi pa nagagalaw. Mainit pero maaliwalas ang paligid, tahimik maliban sa mga huni ng ibon at sa marahang ugoy ng duyan sa labas. Habang papasok sila sa bakuran, napansin agad ni Tintin na may dalawang tao sa duyan at hindi basta nakaupo lang. Si Dadang at si Dodong. Magkalapit. Magkaharap. At parang may slow motion moment na nagaganap. “Uy…” bulong ni Jude habang sumisilip mula sa gate. “Tingin mo ba… nagkukwentuhan lang ‘yan?” “Kwento agad? Eh kung nagkakaintindihan na?” sagot ni Tintin na may ngising halata ang sabik. Sa duyan, marahan lang ang hangin pero ramdam ang kilig. Si Dadang, medyo nag-aalangan pero hindi

