Chapter 2

1145 Words
IRENE “Uy beshy. Ano ba 'yang mukha mo haggardo versoza ah?” Bungad sa akin ng Classmate at best friend kong si Joy. Paano, wala pa kasi akong tulog. Dumiretso ako rito sa school pagkatapos ng overnight kong duty sa Mcdo kagabi. Alam kong galit na galit ang eye bags ko ngayon dahilan para magmukhang haggard ang mukha ko at para na akong zombie na hindi mapakali. Antok na antok na ako, pero kailangan kong pumasok sa 8:00 A.M. class ko. “Dali bilisan mo!” Bigla akong hinila ni Joy patungo sa kumpulan ng mga estudyante sa harap ng Students Affair Office. “Anong meron?” Tanong ko. Nakarating na kami sa kumpulan ng mga tao na nag-uunahang makalapit sa listahan na nakalagay sa bulletin board. “Nag release na sila ng list ng grantees para sa TES Scholarship,” excited na ani ni Joy. “Hinintay kita para sabay tayong titingin.” “Talaga?” Nakaramdam din ako ng excitement at tuwa. Finally, kung sakaling kasali ako sa na-grant ng scholarship ay malaking tulong na rin ang allowance na makukuha ko para sa pag-aaral ko at para matulungan si Mama sa mga bayarin at gastusin. Sa hirap ng buhay, kinailangan kong pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho. Minsan na-sideline magtinda ng kamoteng turon at nag de-dealer ng Avon para lang magka baon. Nag pa-part time din ako ng kahit ano basta marangal. twenty-five na ako, at nasa third year pa lang sa College, isa akong Psychology student. Nahinto muna ako ng ilang taon dahil pinag-aral ko muna ang bunso kong kapatid na si Ivan na nakatapos naman sa kursong Business Administration. Pero sa halip na gamitin nito ang pinag-aralan ay sa pag-aasawa nang maaga at pag ba-bagger sa Grocery parin ang kinahantungan nito. Kaya heto, ako naman nayon ang nag-aaral at nagsisikap na maahon ko si Mama sa hirap. Mag-isa niya kami pinalaking magkapatid dahil iniwan kami ng magaling naming ama. Ni hindi nga namin alam kung buhay pa ito.   Patuloy kaming nagsumiksik sa kumpulan ng mga tao. Kahit halos ma-ipit na kami ay pursigido parin kaming makalapit sa listahan hanggang sa nagtagumpay kami. Dumiretso ako sa listahan ng letter ‘G’, habang si Joy naman sa letter ‘M’. Paulit-ulit kong tiningnan at binasa isa-isa ang mga apelyido na nagsisimula sa letter G pero wala akong mahanap na ‘Guerrero’ “Besh! Wala pangalan ko eh,” Ani ni Joy na malungkot. Napasimangot din ako, at tila pareho din yata kay Joy ang kapalaran ko. “Wala din akin eh,” tugon ko na malungkot din. “Bakit gan’on? Dapat kasali tayo. Indigent nga tayo ‘di ba?” Reklamo ni Joy. “Baka kasi hindi kayo kasali sa 4ps,” Sumabat naman ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 4rth year na dahil naka suot ito ng pang OJT na uniform. “4ps? ‘yong sa DSWD?” Tanong naming dalawa ni Joy. “Oo, ‘yong mga naka lista kasi halos lahat 4ps ‘yong mga magulang kagaya ko.” “Talaga ba? So ano? ‘yong mga hindi kasali sa 4ps walang karapatan mag-avail ng Scholarship?” Tanong ko na may halong inis. “Iyon kasi ang dinig ko Miss.” Pagkasabi ng babae ay umalis na ito, isa-isa ring nag alisan ang iba pang mga estudyante na naroon, may mga masaya dahil naka lista sila, at mayroon ding mga luhaang kagaya namin. “Napaka-unfair naman n’on! Meron na nga silang natatanggap buwan-buwan tapos itong scholarship sa kanila na lang din?” pagmamaktol muli ni Joy. Ang unfair ng mundo kung ganoon. Kahit umasa at nasaktan kami, ay dinaan ko nalang sa pagiging positibo ang lahat.   Inakbayan ko ang kaninang masaya at ngayo’y lugmok ko nang kaibigan. “Hayaan mo na besh, minsan masakit talagang umasa sa bagay na sa huli hindi naman para sa’yo.” Natawa siya nang bahagya sa hugot ko.   “Ayon...huhugot na naman e! Ayan tayo e!” Nginitian ko siya nang malapad at giniya papunta sa room namin. “Tara na nga ma-late pa tayo eh.” *** Sa wakas ay nakauwi na rin ako ng bahay. Pagod at puyat na ako. Naabutan ko naman si Mama na nagtu-tupi ng mga damit. Nag mano ako sa kanya. “Kumain ka na diyan ‘nak,” Aniya. Tinungo ko ang hapag-kainan at binuksan ko ang nakatakip na ulam. Tsaran! Sardinas, now on its second week! Paano, matagal pa kasi ang sahod, isang linggo pa uli.   “Pasensiya na, ‘yan na naman ulit ang ulam, na i-pambayad ko kasi sa kuryente ‘yong kita sa paglalabada ko.” Bakas sa mukha ni Mama ang lungkot habang sinasabi iyon.   Ngumiti ako sa kanya ng napaka tamis para maiba ang mood niya. “Ano ka ba Ma! Paborito ko nga itong sardinas e, kaya Okay lang, ang importante may ilaw tayo,” sabi ko sabay nakangiti pa rin. “Sige lang ‘nak. kapag natanggap mo na iyong allowance mo sa TES Scholarship makakaluwag na tayo. Aba! akalain mo, 20k din ‘yon, ang 10k ipupuhunan natin sa maliit na tindahan para may mapaghuhugutan ka ng pambaon para ‘di ka na mag-part time job. Tapos iyong 10k magagamit mo para sa eskwelahan ‘diba?” Ani ni Mama na nag sukli rin ng isang matamis na ngiti. Paano na? Asang-asa rin si Mama sa Scholarship na iyon, sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niyang hindi ako napasali.   “Ah... ma, may sasabihin po sana ako...” Pero hindi natuloy ang balak kong pagco-confess dahil biglang dumating ang kapatid kong si Ivan. “Ma...” Anito sabay nagmano kay Mama. Hindi pa nga nakaka-upo ay agad ding sinabi ang pinunta niya. “Ate, may pera ka ba riyan? Baka puwedeng maka hiram pang pa check-up lang ng pamangkin mo.” Ang kapatid kong si Ivan sa edad na bente-dos ay maagang nag asawa dahil naka buntis pagkatapos mag-graduate sa Kolehiyo. Sakiting bata pa naman ang anak niya kaya madalas tumatakbo sa amin para manghiram ng pera dahil hindi naman kasya ang sinasahod niya sa Grocery. “Bakit anong nangyari sa pamangkin ko?” Alalang tanong ko. “Nagka allergy kasi Ate eh.” Biglang kumunot ang noo ni Mama at tila nagalit.   “Ivan, walang pera ang Ate mo, gawan mo naman ng paraan, hindi iyong lagi mo nalang ina-asa sa kanya.” Naghalukipkip si Mama at nagsimulang maglitanya. “Pinag-aral ka ng Ate mo para magkaroon ng magandang trabaho, pero ano’ng ginawa mo? Nag-asawa ka nang maaga. Sinira mo ang mga pangarap ko para sa’yo, ginusto mo ‘yan kaya dumiskarte ka.” “Ma, tama na po, kawawa naman iyong bata kung ‘di makakapag pagamot.” Pinigilan ko si Mama para hindi na lumaki pa ang gulo. “Ivan, Mangutang ka muna kay Madam Stella, sabihin mo babayaran ko pag naka suweldo ako,” baling ko naman sa kapatid ko. “Salamat Ate,” Tugon naman nito. “Kaya namimihasa e, kasi lagi mong pinagbibigyan...” pahabol sermon naman ni Mama. At sinaway ko iyon. “Ma, hayaan niyo na ho, isipin na lang natin para po ‘yon sa apo niyo.” Hindi pa tumigil si Mama sa bibig niyang parang Armalite. “Kung ‘di mo kayang alagaan ‘yang anak mo, ibigay mo sa’kin!” Pagkatapos ay bumaling naman uli sa akin. Napa sapo pa ito sa noo na tila na stress sa kapatid ko. “Hay! nakaka kunsumi. Kaya ikaw Irene, huwag kang gagaya diyan sa kapatid mo. Magtrabaho ka muna kapag nakatapos ka, huwag ka munang mag-aasawa.” “Opo Ma,” Tugon ko na lang para tumigil na siya. Ako pa ba? Good daughter kaya ako.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD