JAYEM
“Happy Birthday...to...you...” sabay-sabay na awit naming lahat para sa birthday boys na si Kyle at Dio habang nagblo-blow ng candle sa kani-kanilang birthday cakes. Kasama ko ngayon ang bandmates kong tinatawag na Peter pan.
Isang P-pop group na nilikha ng SDM Entertainment.
Ang kauna-unahang company na kagaya sa South Korea na nagpro-produce ng mga K-pop artist.
Sikat kami sa Pilipinas, at unti-unti naring nakikilala sa ibang bansa dahil sa mga OFW na naroon.
Kasalukuyan kaming nasa isang private KTV room sa loob ng isang high-end bar na pag-aari ng kaibigan kong si Herson.
“Kuys, punta muna ako sa washroom,” Paalam ng katabi kong si Jaydee sa akin na pabulong sa tainga dahil maingay ang buong room dahil sa kanta ni Blake.
Kumpleto kaming lahat na members sa celebration naming ito. Mula sa kaliwa ko ay si Sean, na tumutungga ng isang baso ng Jack Daniels kasama ni Minx, si Sean ang pinaka bunso sa aming lahat pero pinakamalakas uminom. Not to mention, pinaka spoiled at baby naming mga kuya niya. Siya rin ang pinaka malapit sa akin dahil room-mates kaming dalawa sa dorm. Sa kadahilanang, hindi siya makatulog mag-isa.
Habang si Minx naman ang pinakamatanda sa amin. Pinaka masinop din sa bahay. 30 years old na siya pero single pa rin. Wala pa raw sa isip niya ang mga ganoong bagay dahil gusto lang niya munang i-enjoy ang career niya.
Katabi ni Minx ay si Kyle at Dio na panay tawa sa kumakantang si Blake at Loey na sumasayaw ng kalokohan.
Si Kyle, na buwan lang ang kinatanda kay Sean ang dancing machine ng grupo. Conservative iyan magsalita sa fans pero nakaka-dalawang girlfriend na iyan sa totoo lang. Siya ang pinaka maitim sa aming lahat pero pinaka attractive sa mga babae. Oo maitim talaga ang term kahit sa totoo lang ay Morenong mala Richard Gomez naman ang dating niya.
Si Dio ang pinaka mean sa lahat, tahimik at seryoso lang iyan pero kapag iyan ay ininis mo, paniguradong iiyak ka ng pako.
Pero kahit ganyan ito, masarap itong magluto at lagi niya kaming inaalala pagdating sa pagkain. Ang monotone nito kung magsalita pero kapag narinig mong kumanta ito ay baka mapa nganga ka.
Si Blake, yung pinaka funny sa lahat. Hari ng kalokohan at kapilyuhan, siya ang main vocalist ng grupo, kayang makipagsabayan kay Witney Houston at Celine Dion sa high notes. Silang dalawa ni Jaydee. Mabait naman si Blake kaso bigla na lang naging babaero simula noong magkahiwalay sila ng girlfriend niya for 3 years na isang artista rin, after niyon, kung sinu-sinong babae na lang ang kasama at kaharutan nito.
Si Loey naman, ang main rapper ng grupo. Tinatawag na happy virus ng lahat dahil sa pagiging pala-tawa at masayahin. He's not only good at rapping, magaling din kumanta, iyong husky voice with feelings ang style ng pagkanta nito. At halos lahat ng musical instruments ay kaya nitong patugtugin.
Si Jaydee, ang tinaguriang anghel sa amin, sobrang bait pero minsan maingay at troll sa grupo. Siya ang binabansagang King of high notes at King of OSTs dahil siya ang madalas na kinukuhang singer ng mga OST sa mga teleserye.
Si Harvey ay isa rin sa pinaka mabait, minsan naive at napaka kuwela. Isa siyang half chinese. Magaling sumayaw at kumanta, mahilig mag compose at into musical instruments din. Ang unique characteristics nito ay ang pagiging makalilimutin at kapag halimbawang may nag-joke ay sobrang tagal bago maka-gets. Iyong tipong naka bawi na kami mula sa pagtawa ay saka pa lang siya tatawa at kung minsan na-uuwi pa sa explanation ‘yong joke mo sa kanya.
At siyempre, ako ang leader nilang guwapo, mayaman at angelic voice. Aherm! Simple lang akong tao, sensitive at pure kung magmahal. Pinaka importanteng tao sa akin ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Iyakin akong tao pero hindi bakla ah! Wala eh, mababaw lang talaga ang luha ko.
Silang lahat ang members ng Peter pan. More than bandmates, they are also my brothers for life. We've been together during our ups and downs, as a group and as individuals. And I am proud that I am their leader, I treasure and love them so much to a point that I will always think of them more than myself. Honestly, I found a family in them and they are the most precious people in my life.
“Tell me you’re not serious Kuys,” reaksiyon ni Sean noong na-kwento ko ang tungkol sa napag-usapan namin ni Dad. Patuloy sila sa pag-inom ng Jack Daniels habang ako naman ay isang flavored beer ang iniinom ko. I'm controlling myself from drinking sa tuwing magkakasama kaming lahat mag-inom.
I see to it na kahit wasted na sila, I'm still sober para maalalayan ko sila. I am not their leader for no reason.
Sa kanilang lahat, si Sean ang hindi pa ready na mag-asawa ako. Masyado kasing pa baby ito sa akin. Lahat ng gusto niya binibili ko kaya ganoon siya ka takot na ma-etsapuwera ko kung sakaling may pamilya na ako.
“As if papayag ako,” tugon ko at uminom ulit. Kasali si Minx sa pag-uusap namin pero tahimik lang ito.
Ilang oras na rin kaming nagkakantahan at nag-iinuman sa loob ng KTV room pero hindi pa rin bumabalik si Jaydee.
“Teka, kanina pa ‘yon si Jaydee sa wash room ah? Bakit di pa nabalik?” Tanong ko sa mga kaibigan ko.
“Oo nga ‘no? Kanina pa ‘yon wala ah?” Tugon ni Sean.
Napag pasyahan kong sundan siya sa labas kung kaya tumayo ako.
“Sundan ko lang sa labas guys.” Sabi ko at sumang-ayon naman sila.
“Sama ako,” Sabi naman ni Minx na tumayo na rin.
Tumango ako at sabay kaming lumabas ng room. Inikot namin ang buong bar, hindi namin makita si Jaydee, maging sa wash room ng mga lalaki ay wala rin siya. Hindi naman kami maka pasok sa mga KTV rooms dahil privately owned iyon ng mga nagre-rent.
“S’an kaya ‘yon?” Frustrated na kaming dalawa ni Minx. Habang palinga-linga kami sa paligid ay biglang may napansin si Minx.
“Ano ‘yon? Nag-aaway yata?” Ani Minx na nagtatakang itinuro ang hintuturo mula sa kaguluhan sa isang table.
“Bitiwan mo nga ako! Baka masapak kita diyan eh!” Sigaw ng isang boses na pag-aari ng isang babae. Tiningnan ko ang gawi ng mga ito. Isang babae na nakasuot ng T-shirt at pantalon na naka insert, mahaba ang buhok at Sa tingin ko ay isang staff ng bar.
Disente naman ang suot nito pero binabastos pa rin siya ng lalaking customer. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong mga taong walang respeto sa mga babae.
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na kinilos ng lalaki.
May hawak itong bote ng alak at sa tingin ko ay ipapalo niya ito sa ulo ng babae.
Everything around freezes at the moment. I ran towards them trying to save the girl from the incoming danger she might face.
As soon as I reached them, I immediately grabbed the girl and wrapped her in my arms as the glass slowly landed unto my upper back.
Nabingi ang lahat sa alingawngaw ng nabasag na bote mula sa likod ko.
Everybody was shocked and seemed terrified with what just happened.
I looked at the girl who was leaning on my chest with her eyes closed.
She slowly lifted her head and opened her round eyes and looked at me as well. Our gaze locked unto each other.
We remained in that state for a few seconds. And…and I was stunned by her beauty. And I become unaware of What was next.
All I heared was an unusual sound.
Dugdugdugdugdug.