IRENE Dugdugdugdug. “Puso mo ba ‘yon?” Napukaw ang antensiyon kong naglalakbay na sa kalawakan habang nakatitig sa mukha ng guwapong lalaking nakayakap sa akin ngayon. Mapupungay na mata, matangos na ilong, chubby cheeks, tapos ‘yong lips niya maliit na manipis tapos pouty at red pa. at saka walang pang ka pores-pores ang mukha. Napa balikwas ako at tila uminit ang mukha ko sa tanong niyang iyon. Ganoon ba talaga ka lakas ang kabog ng dibdib ko? Paano ba kasi, sobrang dikit niya sa akin, kung hindi naka harang ang mga braso ko sa dibdib ko ay baka nadampi na iyon sa matigas niyang dibdib. Shocks! I feel so violated. Pero keri na ‘yon kaysa matamaan ng bote. Napa yuko ako para ma-itago ang umi-init kong mukha mula sa kanya. “Are you okay?” Tanong niya. Tumango naman ako h

