IRENE “Ate kami na ang mag iigib. Umupo ka na muna doon sa ilalim ng puno ng niyog,” Ani Isabel sa akin sabay pilit na kinukuha iyong timba na pangsalok sa malalim na balon. Si Isabel ay pinsan ko. Anak siya ng kapatid ng Mama ko na si Tiya Lorena. Taga rito sa Basay kasi ang napangasawa nito kaya dito sila nanirahan. Dito ako pinapunta ni Mama para makaiwas sa gulo ng buhay ko sa Maynila. Wala raw kasi halos TV ang mga nakatira dito sa barangay nila kaya walang gaanong makakakilala sa akin. Hindi nakakapagtaka, dahil napaka simple nga lang pala talaga ng buhay dito. Malapit sa dagat kung saan dito sila kumukuha ng kabuhayan sa pamamagitan ng pangingisda. Halos hindi rin mahilig mag-cellphone ang mga tao at wala ring internet kaya sa tingin ko ay walang makakaalam sa issue ko sa Maynil

