JAYEM Sa dorm ako nag-stay since the incident that happened on my birthday. Two days na ang nakakalipas, nakaka stress. I really miss Irene already. Kahapon dapat ay magkikita kami, pero biglang sumama ang pakiramdam niya. She just texted me na nasa bahay na siya then after noon ay hindi na siya tumawag o nag-text ulit. Hinayaan ko na lang, marahil ay nakatulog nang maaga. Pero ngayon, 8 A.M. na. Wala man lang akong na-receive na good morning message galing sa kanya. Naka higa pa ako ngayon sa kama at tinatamad akong bumangon. Mayamaya pa ay pumasok si Sean sa kwarto ko. “Bangon na Kuys,” anito saka naupo sa gilid ng kama. “Mamaya na,” tugon ko saka tumaob at tinitigan lang ‘yong phone ko. “Hindi pa rin ba nagpaparamdam?” Tanong ni Sean. I sighed at umiling ako. “Ba’t ‘di mo tawagan?”

