IRENE Noong sumunod na araw, sinamahan ko si Yeri na kapatid ni Minx sa Divisoria para bumili ng mga damit na worth 1k pesos. Para daw iyon sa vlog niya dahil nire-request ng subscribers niya na gawin iyon. At dahil vacant ko naman, sinamahan ko na ito dahil kabisado ko naman ang Divi. Spoiled brat itong si Yeri kaya nagagawa nito lahat ng gusto. Sa yaman ng Kuya Minx niya ay nagagawa niyang magliwaliw at bumili ng kahit anong gusto niya. Pero kahit paano ay nagagamit din naman niya ang kakikayan niya para kumita ng sariling pera sa mga vlog niya dahil meron na itong millions of subscribers. Kaya nga kahit hindi siya sanay mamili sa Divi ay ginawa niya pa rin para sa mga fans ng channel niya. Naaliw kami sa pamimili, hindi pa nga umaabot ng 1k ay marami na siyang nabiling damit. Sobra

