IRENE KInabukasan, pumasok ako ng School. Inaasahan ko na talaga na hindi na kagaya ng dati ang magiging buhay ko rito ngayong nabulgar na sa buong Pilipinas na asawa ako ni Jayem Kim, at tama nga ako. Paglakad ko pa lang papasok ng campus ay halos sa akin lahat nakatingin ang mga mata ng mga estudyante, pati mga Prof na nakakasalubong ko. Hay naman, marahil nanuod ang mga ito sa interview ni Jayem kahapon. Nakakahiya at hindi ako kumportable. Na sa akin ang atensyon ng buong campus samantalang dati tungaw lang naman ako rito. Mayamaya pa ay nakita ko si Joy na patakbong lumalapit sa akin. “Beshy!!!!” Sigaw nito tapos napayakap sa akin. “Beshy, sikat ka na sa campus, alam mo ba?” Tanong niya sa akin. “Malamang. Ikaw ba naman ang ma-ibalita sa TV,” Matamlay kong sagot. “Anong feeling

