Dahil mas malayo ang bahay namin kaya sa hospital, at iba ang route papunta sa bahay, nagpasya si Hiro na dumeretso na lamang sa hospital. Aalma sana ako kaso napangunahan ako ng hiya. Hihiram nalang muna siguro ako ng damit kay Karrie. I just wish may extra clothes siya. The moment na humito ang sasakyan ni Hiro sa parking lot, mabilis siyang gumalaw at may inabot sa likod. It was a jacket. "Wear this," seryoso niyang sabi. I had the urge not to accept it pero mas nangingibabaw 'yong lamig na nararamdaman ko kaya tinanggap ko na lamang. Nauna siya lumabas at ako naman ay isinuot muna ang jacket bago bumaba ng kotse. Agad niyang hinila ang kamay ko nang makababa ako. Napatitig ako sa kamay kong hawak niya. Para akong napapaso! Nawala lang tingin ko do'n nang mauntog ako sa likuran n

