Dala ang paper bag na naglalaman ng pagkain mula sa mama ni Hiro, bumaba ako patungo sa kwarto ni Gogi. Baka naroon pa sina Glade at Hillary. "Karrie," tawag ko sa kanya ng mamataan ko siya. "Oh?" "Nandiyan pa ba si Glade at Hillary sa loob?" tanong ko. "I think so, hindi ko naman napansin na may lumabas," sabi niya at napangisi bigla. "Natagalan ka yata, saan ka naman galing?" Nakagat ko ang labi ko sa tanong niya. "N-nasiraan 'yong sasakyan ko," sabi ko. "And then?" "Nabasa sa ulan." "Anong sumunod?" "May dapat pa bang sumunod?" Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "Based on your expression, I know may nangyari. And you are wearing Margarette's top, so I'm wondering how did that personalized top is on you already?" "S-sinong Margarette?" nagtataka kong sabi because that's the f

